I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Tay naman?" reklamo ko pa.
"Anak, ako nang bahala dito, okay," sabi pa ni tatay kaya napayuko na lang ako, pero naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humawak sa akin sa ilalim ng mesa.
Tumingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago sumagot kay tatay.
"Opo, seryosong-seryoso po ako kay Rylan, tay. Una ko pa lang po syang nakilala noon ay alam kong may espesyal sa kanya kaya hindi ko na sya pinakawalan pa at nung makilala at makasama ko ng siya ay masasabi kong hindi ako nagkamali. Mabait, ma-aalahanin, mapagmahal at napakabuti po niya kaya naman hindi ko po hahayaan na humadlang sa amin ang estado ng buhay namin, kasarian o kahit ang sasabihin ng iba," confident na sabi ni Dylan sa aking mga magulang kaya napatango at napangiti sila.
"Handa ko po syang panagutan at kukunin ko po lahat ng responsibilidad, ipagkaloob niyo lamang siya sakin," dugtong na sabi pa niya.
Namumula na ang mukha ko sa lahat ng sinasabi niya, pero di maalis ang saya at pagka-proud ko sa kanya. Para iparamdam na masaya ako ay mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kanyang kamay.
Nakita ko ang pag apruba sa mukha ng aking mga magulang dahil sa tapang at paninindigan ni Dylan. Magsasalita na sana si tatay ng maunahan siya ni Ben.
"Pananagutan? Buntis po ba si Kuya?" inosenteng tanong muli nito.
Ang seryosong hapagkainan ay napuno ng tawanan dahil sa sinabi niya, gusto ko namang lamunin na ako ng lupa dahil sa hiya.
Bago matapos ang paghahapunang iyon ay ibinigay ni tatay at nanay ang basbas nila kay Dylan.
Hindi ko man inaasahang magiging ganito ang kakalabasan ng pagpunta namin ni Dylan dito ay masasabi ko pa rin na masaya naman ako dahil nakilala ng aking pamilya ang taong mahal ko.
Pagkatapos naming kumain ay inayos ko na ang aming banig at kutson para makatulog na.
Ngayon ay...
"Jan. 1/ Bagong taon na!!!" malakas na sigaw ng kambal at ni Dylan sa harap ng bahay.
Agang-aga ay napakarami na nilang energy ah, napakamot na lang ako ng ulo at napahikab.
"Anak, bangon na dyan, kakain na tayo ng agahan," rinig ko na sabi ni nanay sa labas ng kwarto.
Lumabas ako ng kwarto habang nag iinat pa ng braso. Nakita kong nakaupo na sila sa mesa lahat, nang makita nila akong parating ay biglang may humarap sa aking tatlong bata. Oh si Dylan pala yung isa.
Maingay ang naging agahan namin dahil sa mga bata kasama na si Dylan, at higit sa lahat ay mukhang talagang nagustuhan siya nina tatay at nanay. Giliw na giliw kasi sa kanya ang mga ito.
Nang matapos kaming kumain ay nagpasya ko munang isama si Dylan sa bayan para ipasyal siya at para makapamili na rin kami ng pang handa namin mamayang gabi ng bagong taon.
"Astig pala talaga dito, kahit maliit ang bayan nuyo ay marami pa ring makikitang kakaiba," masayang sabi ni Dylan habang palinga-linga sa paligid.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...