Chapter 21

6.2K 314 22
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ





3RD PERSON POV

"Boss Dylan!!!" sigaw ni Benny sabay fist bump kay Dylan ng makalapit ito sa kinatatayuan nila.

"Uyy Boss!" bati ni Rico.

"Dylan," saad ni Jeff, sabay tango dito.

Nakatingin lang si Rylan sa kanila habang nagkakatuwaan ang tatlong nyang kaibigan at ang kanyang boss. Akala mo ay mga batang ngayon lang nagkita ang mga ito.

"Ry ko, wala ka bang dalang towel, pawisan ka na oh," ani Dylan nang harapin na niya si Rylan, hinawakan pa niya ito sa baba para tingnan ang mukha nito, ang mga kaibigan naman nito ay natatawa lang habang pinagmamasdan sila.

"May dala ako, nandun oh," sagot ni Rylan, sabay turo sa may bench na nasa gilid ng court. May nakapatong nga naman doong towel at isang tumbler.

"Kukunin ko muna." Aalis na sana si Rylan, pero pinigilan siya ni Dylan. Kumuha ito ng panyo sa likod na bulsa ng pantalon nito at madahan na pinunasan ang mukha at leeg ni Rylan.

"Ako na Dylan, di na ako bata," nahihiyang reklamo ni Rylan, dahil pinagtatawanan na siya ng kanyang mga kaibigan.

"Mahal na mahal mo boss ah," nakangising pangungutya ni Benny sa kanila.

"Alagang-alaga ka talaga Rylan, sana ol," tumatawang segunda pa ni Rico.

Si Jeff naman ay nakatingin lang sa dalawa sapagkat hindi nito magawang makisali sa biruan ng lahat, para kasi sa kay Jeff ay espesyal na kaibigan si Rylan kaya naman ay medyo na kakaramdam siya ng pagseselos kapag nakikita nyang inaalagaan ni Dylan ito. Habang sa tabi naman ni Jeff ay walang kibong nakatingin lang ng matalim si Leo dahil sa nasasaksihan.

'Ano ba talaga ang relasyon nyo?' isip-isip pa nina Jeff at Leo.

"Sige kunin mo na lahat ng gamit mo Ry, uuwi na tayo," turan pa ni Dylan nang matapos na nyang mapunasan ng pawis si Rylan.

Sumunod naman si Rylan at nagtungo sa upuan na pinagpapatungan ng mga gamit niya. Naiwan naman ang kanyang boss at mga kaibigan doon sa kabilang side ng court.

"Oo nga pala Dylan, eto si Leo. Bagong lipat lang dito sa subdivision," pakilala pa ni Jeff.

"Woah, saan ang bahay nyo?" magiliw na tanong ni Dylan dito.

"Sa Elm street, tapat nung bahay na pink," sagot naman ni Leo.

"Talaga? Malapit lang bahay namin dun ah. Ang amin ay yung dulong bahay sa street na yun," ani Dylan.

"Ah yung malaking bahay na puro glass, ang ganda ng bahay mo," papuri pa ni Leo, kaya napatango si Dylan.

"Oo, malaki nga yun pero kami lang naman ni Ry ang nakatira."

Ngumiti naman si Leo dahil sa narinig pero hindi na ito nagbigay ng kumento.

"Ako nga pala si Dylan, welcome to the neighborhood pre," masayang ani Dylan dito, sabay abot ng kamay para makipag hand shake.

"Salamat bro, mababait pala talaga ang mga nakatira dito, buti at dito namin napiling lumipat," nakangiti ring sagot ni Leo bago tanggapin ang kamay na nakalahad sa harapan nito.

"Ibigsabahin ikaw yung boss ni Rylan?" paglilinaw ni Leo, habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Dylan.

"Oo nabanggit ba niya sayo."

"Nasabi nga nila sa akin kanina," saad pa nito. Dahil hindi rin ito masyadong makapaniwala sa nakikita. Ang akala ni Leo ay matanda at mahina na ang inaalagaan ni Rylan, pero isa pala itong malaki, matangkad at machong lalaki, higit sa lahat ay mukha pang model.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon