I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Ry ko, sige nga try mo akong picturan," masiglang turan ni Dylan, habang inaabot sa akin ang bago kong cellphone.
"Ah sige --- teka!!! Tama ba ang ginagawa ko?" tanong ko naman sa kanya, habang nakatutok ang cellphone sa kanyang mukha.
"Ilayo mo ng kaunti," natatawa pa niyang saad.
Nang makita ko na okay na ang angulo ay pinindot ko na ang capture button daw, yung buton sa gitna. Nang tingnan ko ang litrato niya ay hindi ko mapigilang di mapangiti, ang gwapo talaga nya at napaka-ganda pa ng kanyang ngiti. 'Nababakla na ata talaga ako nakakaramdam na ako ng kilig sa kapwa ko lalaki. '
Pero naisip ko rin noon na baka naman masyado lang ako napalapit sa kanya dahil mabait sya sakin at dahil lagi ko syang kasama kaya ganito ang nararamdaman ko, pero si Nico naman ay mabait din at gwapo pero hindi ako nakaramdam ng ganung bagay para sa kanya at bukod pa dun ay wala talaga akong interes sa ibang lalaki. Kay Dylan lang talaga ako nag-kakaganto.
"Patingin nga ako Ry ko, pangit ba? Bakit natatawa ka dyan?" alangang tanong niya pa sa akin.
Pinagmamasdan ko lang si Dylan habang tinitingnan niya ang larawan niya sa cellphone ko. Nandito nga pala kami sa sala, kakauwi pa lang namin galing sa supermarket. Tapos na nga pala akong turuan ni Dylan kung paano tumawag, magtext at pati ang mag-chat.
Ang saya-saya ko sa mga oras na ito kasi naman nakapagpadala na ako sa aking pamilya tapos nakabili pa ako ng bagay na gusto ko gamit ang sarili kong pera.
Tanghali na rin pala ngayon kaya kaylangan ko ng magluto ng tanghalian namin. Nung mga nakaraang araw ay may kakaiba akong napapansin kay Dylan, ewan ko kung kakaiba pa ba yun o hindi ko lang pinapansin noon.
Habang nagluluto kasi ako ay pansin ko na lagi syang nasa likod ko, as in minsan nga sobrang dikit na niya sakin. Wala naman siyang ginagawa kaya hindi ko siya pinapaalis. Nakatingin lang sya lagi sa ginagawa ko, pero minsan ay hindi ako masyadong makagalaw dahil ang laki niyang harang. Katulad na lang ngayon...
"Dylan, umupo ka na lang dun sa may Island counter."
"Ayoko Ry, hindi naman kita ginugulo sa pagluluto mo at saka gusto kong makita ang ginagawa mo," pagrarason pa niya.
May punto naman siya kaya hindi ko na siya pinaalis pa, baka kasi nag aaral siyang magluto sa pamamagitan ng panunuod sakin. Kaya naisipan ko na rin na sabihin sa kanya bawat hakbang na ginagawa ko sa pagluluto.
"Isaw-saw mo muna sa itlog, tapos sa bread crumbs naman," pagtuturo ko pa sa kanya habang idine-demo sa kanya paano gawin.
Natango naman siya habang nakikinig sa sinasabi ko, pero sobrang lapit na talaga niya. Yung tipo bang nakadikit na ang dibdib niya sa likuran ko tapos nakapatong pa minsan ang baba niya sa balikat ko. Minsan ay napapansin ko din na parang inaamoy niya din ako. Nawiwirduhan na talaga ako sa kanya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Dylan?" tanong ko naman ng maramdaman kong nakadikit na sa leeg ko ang mukha niya.
"Ah ha-ha wala naman Ry ko, pinapanuod ko lang ang ginagawa mo," pa-inosente pa niyang sagot.
Wala daw pero kung isiksik nya yung mukha nya sa leeg ko ay parang wala ng bukas, tapos inaamoy pa niya ako.
"Dylan, wag mo nga akong amuyin pawisan na rin ako," sabi ko sa kanya para lumayo na siya sakin.
"Ano naman kung pawisan ka pa, mabango ka parin," ngiting ngiti niyang sabi sakin.
'Hayss ayaw talaga patalo ng isang to, sakit sa ulo.'
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Comédie[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...