Chapter 4

11.3K 520 53
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

RYLAN POV

NAGISING ako nang maaga, tiningnan ko ang relo na nakasabit sa pader ng kwarto. Alas kwatro palang kaya madilim pa sa labas.

Minabuti ko nang gumising at magtungo na sa banyo para maghilamos at makapag toothbrush, ito ang unang araw ko sa trabaho. Excited na ako kaya minadali ko na ang aking ginagawa.

MAKALIPAS ang ilang sandali...

Nandito na ako sa kusina upang ipaghanda si Dylan ng agahan. Nagluto ako ng itlog, hotdog at sinangag, ito lang kasi ang nakita kong pwedeng iluto base sa laman ng ref niya.

"Iyan tapos na, kailangan ko nang gisingin si Dylan," bulong ko pa sa aking sarili. Sabay tingin sa relong nandito sa kusina. 5:30am na pala tamang-tama lang.

"Dylan!!! Gising na, tanghali na liligo ka pa!" Marahang inalog ko pa ang kanyang balikat.

"Rylan?" tawag pa niya sa'kin habang naghihikab.

Iniikot ko naman ang paningin ko sa paligid, in fairness ha, maganda at maaliwalas ang loob ng kanyang kwarto, simple lamang din ang design nito. Kaso nga lamang, maganda nga madumi naman. Nagkalat ang mga damit at mga gamit niya sa buong lugar.

"Lilinisin ko na lang pag alis niya," napapailing na bulong ko pa sa aking sarili.

Nang makita 'kong gising na siya at nag iinat ng katawan habang nakaupo sa kama ay minabuti ko namang dumeretso sa loob ng kanyang walk in closet para ihanda ang kanyang susuotin.

Habang naghahanap ako ng babagay na necktie para sa polo at coat niya ay bigla namang nagtaasan ang balahibo sa aking batok nang naramdaman kong nasa likuran ko na pala siya.

Napalingon naman ako sa nakatalikod niyang pigura, pansin ko pang may towel na nakasampay sa kanyang balikat. Gano'n din ang katunayang naka boxer shorts lang siya ngayon kaya lantad na landat sa aking paningin ang hubad niyang katawan na nagbigay ng kakaibang init sa aking mukha.

'Ano ba itong nangyayari sa'kin? Hindi ko maintindihan.' kinakabahang saad ko sa aking isipan habang pinakikiramdaman ang mabilis na pagkabog ng aking puso.

Dahil sa pagkatulala ay halos mapatalon pa ako sa gulat nang bigla siyang humarap sa akin at ngumisi pa.

"Like what you see?" mapang asar pa niyang ani habang itinataas-baba ang kilay.

Mabilis na namula ang aking mukha dahil sa katotohanang nahuli pala niya ang mga titig ko. Ngayon, nag aalala na ako sapagkat unang-una ay hindi naman ako bakla. At kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito pagdating sa kapwa ko lalaki.

Noon nga, sabay pa kaming naliligo ng aking mga kaibigan sa ilog kahit walang saplot. Ngunit, kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Bago pa ako masiraan ng ulo ay tinigilan ko na ang pag iisip at napabuntong hininga na lang.

Si Dylan naman ay dumeretso na sa loob ng banyo para maligo. Wala ring mangyayari sa'kin kung iisipin ko pa ang mga bagay na iyon. Baka ma-late pa si Dylan dahil sa'kin kaya naman mas pinagtuonan ko na lamang ng pansin ang aking trabaho.

◆◇◆◇◆◇◆◇

"Rylan, umupo ka na," rinig ko pang aniya habang ako'y abala sa aking ginagawa.

"Wait lang, ipagtitimpla pa kita ng kape."

"Ayaw ko na ng kape, pakiramdam ko ay nenerbyosin na ako dahil sa madalas na pag inom ko n'yan."

"Sige, ano ba ang gusto mong inumin ngayon?" tanong ko na lamang sa kanya.

"Ikaw na bahala," tipid niyang sagot.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon