I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
DYLAN POV
PARA akong mabangis na hayop habang iniikutan ang aking kama. Kung sino man ito at paano siya nakapasok sa aking bahay at kwarto?
Magnanakaw kaya ito? Ang lakas naman ng loob nito, magnanakaw na eh, makikitulog pa.
I frown my eyebrow while walking straight to it. Ha!! I'm done making fun of this. Maganda ang araw ko at hindi ang bagay na ito ang sisira doon.
Nang makalapit ako sa kama ay mabilis kong tinanggal ang kumot na nakatakip dito.
WHOOOSSS!!
Nanlaki ang aking mata at halos mahulog sa sahig ang aking panga dahil sa gulat nang makita kung sino ang taong nasa ilalim ng kumot ko.
"R-Ry ko!?" gulat na tanong ko pa sa sarili habang nakatitig doon.
Gusto kong lumapit at hawakan siya, pero hindi pa rin ako makagalaw dahil sa pagkabigla.
Kahit napakaraming katanungan sa aking isipan ay wala akong pakialam, ang mahalaga ay nandito na ulit ang mahal ko. Bago lumapit sa kanya ay napingot ko pa ang tenga ko para lang makumpirma na di ako na-nanaginip.
"Arekup," sabi ko pa dahil sa sakit ng tenga ko.
Umupo ako sa gilid ng kama para mapagmasdan ang kanyang magandang mukha, Miss na miss ko na talaga siya. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang isa kong kamay.
I can't help to feel scared, baka maglaho siya kapag bigla ko siyang hinawakan.
While looking lovingly in his sleeping form, I can't help myself to remember the first time we met and that thing...
...Is definitely brings smile to my face.
▼△▼△▼△▼△Mainit ang panahon, busy si Nico kaya naisipan kong magkusa nang bumili ng meryenda.
Mula sa bintana ng fastfood ay napansin ko ang isang lalaki na pinalilibutan ng mga bakla. Mukhang ginugulo siya ng mga ito, gustong-gusto ko na siyang puntahan, pero ang tagal ng order ko kaya hindi agad ako makaalis.
Napapataas na ang aking kilay dahil sa tagal dumating ng order ko, natakot ata ang crew nang makita ang mukha ko kaya minadali na nila ang aking order.
Nang makuha ko na ito ay mabilis akong tumakbo palabas, nakita ko kasing isinasama na siya ng mga bakla, hindi ko alam ang pangalan niya, pero kailangan ko syang tawagin para makuha ang kanyang atensyon kaya naman, isinigaw ko ang unang pangalan na pumasok sa aking utak.
I called him Ryan, di ko naman akalain na malapit pala iyon sa tunay nyang pangalan.
Inakbayan ko agad siya at tinakot ang mga bakla na nakapalibot sa kanya. Naawa din ako sa kanyang itsura kaya ibinigay ko na lang ang dala kong pagkain.
Unang beses pa lang na nagtama ang aming mga mata, ramdam ko na may espesyal sa kanya. Parang may connection sa aming dalawa na hindi ko maipaliwanag.
I can feel some invisible force that pushing myself on him.
Hindi ako yung taong mabilis magbahagi ng tungkol sa aking personal na buhay, pero pag dating sa kanya. I didn't hesitate to talk about who am I.
I even invite him to be my maid even though I got traumatize by my past maid. Hindi ko siya kilala ngunit magaan ang loob ko sa kanya. Kaya naman nang siya'y pumayag na maging kasambahay ko ay hindi ko na siya pinakawalan pa.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...