I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Ry! I'm home!"
Halos kumawala ang puso ko sa aking dibdib nang marinig ang boses mula sa living room ng bahay, ibig sabihin nandito na si Dylan. Napuno ng kaba ang aking kalooban dahil sa nangyari kanina, pero alam kong kailangan ko pa rin siyang batiin.
"Ah, Dylan nandyan ka na pala," sagot ko naman habang nakasilip sa may kusina.
"Oo, at may pasalubong ako sa'yo," masigla pa niyang turan nang makapasok sa kusina at maipatong sa kitchen top ang dala. Na-intriga naman ako sa pasalubong niya kaya napalapit ako. "Woah, donuts!"
Masaya naman niyang tiningnan na may ngiti pa sa labi bago magsalita. "Reward ko 'yan sa'yo dahil ginalingan mo ang unang araw mo sa trabaho."
Nang marinig ko ang sinabi niya ay bigla naman akong nakonsensya. Ang bait-bait kasi talaga niya tapos pinagbabaan ko pa siya kanina ng telepono.
"Ry, igawa mo ulit ako ng mango juice katulad no'ng kaninang umaga, magbibihis lang ako," request pa niya bago magtungo pa akyat sa kanyang kwarto.
"Shake 'yon hindi juice," giit ko pa habang nakasunod ang tingin sa kanya. Ngumisi lang naman ang loko at hindi na bumwelta pa.
Habang abala sa ginagawa ay saka ko lamang naisip na binigyan pala niya ako ng palayaw. Iba kasi ang tawag sa'kin sa probinsya. Karaniwan ay tisoy dahil maputi daw ang balat ako.
"Bakit isang basong SHAKE lang ang ginawa mo?" tanong pa niya habang ipinagdiinan pa ang salitang shake.
"Dalawa na lang kasi 'yong mangga kaya ikaw na lang ang iginawa ko," tugon ko naman habang nililinis ang blender na ginamit.
"Halika ka, ayaw mo ba ng pasalubong ko?" pag papa-awa pa niyang sabi habang kinakawayan ako palapit.
"Syempre gusto ko, tatapusin ko lang ang paglilinis nito."
Habang inaayos ang blender ay napatingin ako sa kanya, hindi pa kasi siya nagsisimula kumain. "Bakit ayaw mo pang kumain?"
"Pasalubong ko ito para sa'yo kaya sabay na nating kainin." Ginawaran pa niya ako ng isang magandang ngiti kaya naman nakaramdam ulit ako nang paninikip ng dibdib.
Hindi ko alam ang nangyayari sa akin, pero isang bagay lamang ang sigurado ako, masama sa kalusugan ko si Dylan. Dahil din iisa ang baso ng shake kaya pinag hatian na lamang namin iyon.
"Ah, Dylan pasensya na nga pala kanina, napagbabaan kita ng telepono," ani ko habang nakatingin sa hawak kong donut, nahihiya kasi akong tumingin sa kanya.
"Wala iyon, dapat nga ako pa ang humingi ng tawad kasi naistorbo kita kahit alam ko naman na marami kang ginagawa."
Ano? Bakit siya pa ang nahingi ng tawad e' kasalanan ko naman ang lahat. Kung hindi lang ako nagselos---
'Teka? na-igilid ko ang aking ulo para balikan ang aking iniisip. Anong nag selos? Kanina nag selos at bakit nag selos, Rylan?'
'Hoy! hindi! hindi ako nagseselos, bakit naman ako magseselos e' kasambahay lang ako, at lalaki pa. Sigurado nga ako na may kasintahan na siya.'
"Hindi! Ako ang may kasalana---ohm!" napatigil ako sa pagsasalita nang may bigla na lamang na may sumalampak na donut sa aking bibig.
"Huwag na nating isipin pa iyan, enjoy mo na lang itong pasalubong ko sa'yo."
Wala na akong nagawa sapagkat tama naman ang sinabi niya lalo na at wala naman akong balak na sabihin ang tunay na dahilan kung bakit ko siya pinagbabaan ng telepono.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...