I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV'Ang lamig ng tubig,' isip-isip ko pa matapos isaw-saw ang kamay ko sa holy water at mag mag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan.
"Saan na tayo pupunta, Dylan?"
"Supermarket mag go-grocery na tayo," sagot naman niya habang naglalakad kami pabalik sa parking lot.
"Supermarket? Hindi sa palengke?"
"Sa supermarket ako sanay namimili, mas kompleto kasi ang mga tinda doon at mas mabilis din hanapin," tugon pa niya nang maisuot na niya sa'kin ang seat belt. Hindi pa rin kasi ako marunong. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento, ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan.
"Ang ganda naman dito Dylan," manghang turan ko habang iniikot ang aking paningin sa paligid.
"Nasa MOA tayo."
"MOA?" Pangalan ba 'yon ng lugar na ito? Masyado namang kakaiba.
"Oo, Mall of Asia. Malaking building ito na binubuo ng pinagdugtung-dugtong na mga mall. Ito ang pinaka malaking mall sa buong Asia kaya tinawag itong Mall of Asia," paliwanag pa niya sa akin, habang naglalakad kami sa loob ng napakalaking lugar na ito.
Isang tango lang naman ang naisagot ko sa kanya habang patuloy na namamangha sa aking mga nakikita.
Ang dami naming nadaanan na mga shop tulad ng sikat na tindahan ng mga damit, sapatos, mga pagkain at iba. Hindi ko mapigilang 'di makaramdam ng saya at pagkasabik sapagkat ngayon lamang ako nakapasok sa ganito kalaking mall. Mayroon naman sa probinsya namin, pero malayo iyon at maliit lamang.Hindi nga nagtagal at nakarating na rin kami sa supermarket kung saan ay halos mahilo ako sa dami ng mga estante na puno ng iba't ibang produkto. Mula sa mga dry goods hanggang sa mga fresh na pagkain ay mayroon dito.
"Dylan, ito ba 'yong kukumber?" ani ko at ipinakita ang hawak na prutas.
"Oo, at cu-cum-ber iyan hindi kukumber," pagtatama pa niya sa sinabi ko habang nagpipigil ng tawa.
Hindi ko na lang siya pinansin at inilagay na lang ang cu-cum-ber sa cart na aking itinutulak. Habang naglalakad ako sa pagitan ng mga estante na puno ng iba't ibang de lata at pagkain ay mayroon akong napansin.
May nakita akong graham cracker na nakapatong dito kaya bigla tuloy akong napatigil sa paglalakad, gusto ko itong bilhin kaso wala naman ito sa listahan ng mga bibilhin namin, baka magalit si Dylan kapag nag desisyon ako ng akin.
"Gusto mo ba yan Ry?" halos pumatak ang puso ko sa gulat nang biglang may bumulong sa aking tenga.
"Ha! Nako hindi, napatingin lang ako d'yan," mabilis kong pagtanggi.
Napansin pala niya na tumigil ako at tumitig sa cracker.Hindi naman siya magsalita, pero nakita kong naglagay siya ng malalaking balot ng Graham sa aming cart. Tapos siya na rin ang nagtulak ng cart namin habang ako naman ang may hawak ng listahan. Kailangan ko lang sabihin kung ano ang susunod na nakasulat doon.
"Ry, pwede mo naman bilhin ang gusto mo kahit wala d'yan sa listahan, kaya lang tayo may listahan ay para hindi natin makalimutan ang mahahalaga at kailangan nating bilhin."
Nanlalaki ang mata at 'di makapaniwala ko siyang nilingon. 'Ibig sabihin ay pwede din ako bumili ng condense milk? May balak kasi akong gawin.'
"Pwede rin ba ako bumili ng gatas? Iyong matamis."
"Oo naman, pero ano naman ang gagawin mo doon? Kakainin mo ng puro?" naguguluhan, pero natatawa na naman niyang tanong.
"Syempre hindi," nakasimangot kong tugon. 'Anong akala niya sa akin, bata?'
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...