I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Dylan, dederetso na ba tayo sa supermarket?" tanong ko kay Dylan nang makalabas kami sa simbahan.
Linggo ngayon at ilang araw na rin ang nakalipas nang mapag usapan namin ni Lily ang tungkol sa pagtulong ko para sa birthday ni Gab. Nadala na rin nila ni brandon ang mga sangkap nung isang araw.
Ang iniisip ko na lang ay kung anong design ang gagawin ko para sa cake ni Gab. Hayss, Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga dahil wala pa akong maisip kahit ano.
Tatlong araw na lang at kaarawan na ni Gab kaya kailangan ko ng simulan ang paggagawa ng mga dessert na ihahanda sa birthday party niya, may freezer naman si Dylan sa bahay kaya doon ko na lang sila ilalagay para pagdating ng kaarawan ni Gab ay ready na ang mga ito. Ang huli ko lang na gagawin ay ang cake.
Napailing naman ako habang napapabuntong hininga nang maalala ang nangyari nang araw na dalhin ni Brandon at Lily ang mga sangkap sa bahay, hapon noon ng may nag doorbell.
PAGSILIP ko sa labas ng gate ay nakita kong nasa labas ng bahay sina Brandon at Lily dala ang mga sangkap.
"Oh kayo pala, salamat kahit nakakahiya, kayo na ang namili at inihatid niyo pa talaga dito," nahihiya kong sabi sa kanila.
"Wala yun, Cutie, maraming salamat talaga at pumayag ka na tumulong para sa birthday ni Gab, ako dapat ang mahiya pinilit kasi kita."
"Naku wala yun Lily, salamat talaga sa paghahatid ng mga ito," sabi ko naman at inabot na sa akin ni Brandon ang mga pinamili nila.
"You want some help? Marami ito," tanong pa niya, sabay turo sa mga eco ba na nasa lapag.
"Okay lang Brandon kaya ko na," sagot ko pa, bawal magpapasok ng ibang tao sa loob ng bahay remember.
"Your house is big and so elegant, it's gorgeous," nakangiti pa niyang kumento, pero hindi siya sa bahay nakatingin kung hindi sakin.
'Syempre alangan namang sa pader sya humarap diba.' Sarkastikong saad ng aking utak.
"Ah Oo salamat pero hindi akin ang bahay sa bo---"
Napatigil naman ako dahil sa malakas na tawa ni Lily.
"Hahaha babe, syempre hindi lang kanya ang bahay sa kanilang mag asawa," natatawa pang sabi ni Lily sabay ngisi sakin.
Tumango naman si Brandon at ngumiti pa, tiningnan ko naman si lily ng masama dahil medyo hindi ko na nagugustuhan ang mga biro niya. Ayaw ko naman na may marinig si Dylan na ipinagkakalat ko na asawa ko siya, mahirap na, halos lahat pa naman ng mga di pagkakaintindihan ay nagsisimula lang sa mga biruan.
Kaya kailangan kong linawin ang lahat, Pinanglakihan ko muna si Lily ng mata para di na makialam pa nagkibit balikat lang naman ito.
"Ah brandon, ang bahay ay s--"
"Ry ko? Hm, may bisita pala tayo, bakit di mo papasukin?"
Naku naman, gusto kong isampal ang kamay ko sa aking mukha, nandito nga pala si Dylan, maaga syang umuwi galing sa trabaho.
"Ah ha-ha, si Lily lang ito inihatid lang nila ang mga sangkap Dylan," sagot ko na lang para di na humaba ang usapan.
Pero di ko aasahan na magsasalita si Brandon.
"Oh hey there, ikaw ba ang asawa ni Rylan, nice meeting you pre," masayang bati ni Brandon nang makita na lumabas si Dylan ng bahay.
Naka sando at short lang si Dylan, buti na lang at nakaisip pa niya na mag sando, kasi pag nasa bahay lang kami ay pagala-gala iyan na walang suot na pang itaas.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...