I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Heto ang banana cue, kain kayo," ani ko sa mga batang nanglilimos at nakaupo sa may gilid ng kalsada.
Akala ko talaga ay kakainin ni Dylan lahat ng binili niyang banana cue kay Lola. Hindi ko tuloy maiwasang 'di maalala ang pag uusap namin kanina.
"Kaya mo ba talagang ubusin lahat ng 'yan, Dyan? Isang bilao iyan," tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palayo.
"Syempre hindi ko kayang ubusin lahat kaya kumuha na tayo ng apat, tig dalawa tayo tapos iyong iba ay ipamigay na natin," masaya at natatawa pa niyang sagot sa'kin.
Nakakahanga talaga itong si Dylan, unang-una na ay mabait siya dahil iniligtas niya ako kanina at binigyan pa ako ng trabaho at ngayon naman ay namimigay siya ng pagkain sa mga batang nakikita naming nanglilimos dito.
"Kuya salamat po," sabi ng isang batang kaya napabalik ako sa aking ulirat.
"Huwag ka sa'kin magpasalamat, sa kanya," ani ko sabay turo ko kay Dylan, siya naman kasi talaga ang bumili ng mga pagkain.
Ang totoo n'yan ay katulad din ng iba ang aking paniniwala at pagkilala pag dating sa mga mayayaman. Ang tingin ko sa kanila ay mga matapobre at mayayabang, pero nang makilala ko si Dylan alam kong nagkamali talaga ako.
May saya sa aking kalooban habang pinagmamasdan ko siyang nakikipag usap siya sa mga bata. Suot niya ang isang napaka gandang ngiti na sa mga sandaling iyon ay gusto kong maniwala na isa siyang angel.
Matapos ang munti naming feeding program sa mga bata. Ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa kotse niya, ubos na rin naman ang banana cue sa bilaong aking hawak.
Napakasaya pala na makatulong, napakagaan sa pakiramdam habang na aalala ko pa rin ang masasayang ngiti sa labi ng mga bata kanina.
◆◇◆◇◆◇◆◇
"Ito ang resume ko." Sabay abot ko sa kanya ng dokumentong kanyang hinihingi.
Nandito na nga pala kami ngayon ni Dylan sa loob ng kanyang opisina sa bahay. Sobrang nakakamangha talaga ng kanyang bahay, ang laki sobra at ang ganda. Malaking bahay ito na may dalawang palapag, napaka linis at napaka kintab ng sahig pwede ngang panalaminan dahil sa linaw ng tiles.
Pagpasok pa lang namin kanina ay hindi na ako makapaniwala sapagkat sa mga picture book lang ako nakakakita ng ganitong mga bahay.
"Birth Certificate mo?"
Mabilis ko namang ibinigay ang kanyang hinihingi.
"Sige okay na ito," napapatango niyang ani habang binabasa ang mga papel na hawak. Napangiti naman ako dahil sa kanyang sinabi.
'Salamat God may trabaho na po ako!'
"Teka, isang bagay pa," pahabol pa niyang saad na ikinawala ng ngiti ko. 'Sabi kasi niya kanina ay okay na.'
"May cellphone ba ang mga magulang mo, wala kasing nakalagay na number dito sa resume mo?" aniya sabay turo sa resume ko. 'Patay nakalimutan ko pala isulat doon.'
"Meron si nanay, ito 'yong number niya." Inabot ko sa kanya ang luma 'kong cellphone, 3310 pa ata ang model no'n.
"Tatawagan ko lang para makumperma ko."
Tumango naman ako habang pinagmamasdan ang mabilis niyang pagtipa sa mamahalin niyang cellphone.
Maya-maya pa ay mag sumagot na sa kabilang linya. "Hi, good afternoon, ako si Dylan Von Hendricks ang employer ni Rylan, gusto ko lang pong malaman kung tama itong number na ibinigay niya."
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...