I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
NAGISING ako ng umagang iyon na wala na si Dylan, siguro ay maaga siyang umalis dahil napansin ko na wala na rin ang kotse niya sa garahe.
Nasanay na rin naman ako na lagi syang wala kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang dapat kong gawin. Nagluto ako ng almusal, naglinis ng bahay at garden.
Kahit mabigat pa rin ang aking kalooban dahil nalaman kong ikakasal na sila ni Grace ay pinilit ko pa rin na ngumiti, dapat maging masaya ako dahil ceremony ko ngayon, dahil nakatapos na ko ng one month sa cooking class.
Isinantabi ko muna lahat ng mga negative na isipin at pinanatili ang pagiging positibo. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay naghanda na ako para sa pagpunta sa school. Inayos ko ang aking sarili, dapat extra ang kagwapuhan ko ngayon.
▼△▼△▼△▼△
MASAYA at nakangiti ako nang makarating ako sa school. Nakita ko agad si Mitch nang makapasok ako sa room, tumakbo siya palapit sa akin nang magtama ang aming mga mata.
"Rylan, kanina pa kitang hinihintay, halika papakilala kita kayna Mom and Dad," sabi pa niya habang ngiting-ngiti, hinila rin niya ako palapit sa kanyang mga magulang. Habang palapit kami ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Magulang niya ba ang mga ito o mga kapatid, ang babata pang tingnan.
"Mom, Dad. Si Rylan, yung lagi kong kinukwento sa inyo," pagpapakilala pa ni Mitch sa akin.
"Hello hijo, we're happy to finally meet you," masayang sabi pa ng nanay ni Mitch, katulad niya ay maliit na babae lang din ito, hindi rin halata ang edad nito dahil sa ginhawa ng buhay. 'Iba talaga pag mayaman.'
"Rylan, this is my Mom and Dad."
"Masaya din naman po akong makilala kayo," nakangiti kong sabi sa kanila, kinamayan ko rin ang tatay ni Mitch, At nginitian naman ako ng nanay niya.
Magpapaalam na sana ako sa kanila para hanapin si Lily at Brandon, sabi kasi ni Lily ay susunod na lang silang dalawa dito.
Hindi pa ako nakaka alis sa harap ng mga magulang ni Mitch ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Oh siya ba ang girlfriend mo Rylan? You really have a good taste, what a pretty girl," nakangisi pang pahayag ni Lily.
Kita kong namula pa ang pisngi ni Mitch dahil sa sinabi nito. Napailing naman ako, ano na naman kayang palabas ito ni Lily.
"Are you Rylan's parents?" tanong pa ng nanay ni Mitch.
"Beg your pardon ma'am, but we're not, I'm just his sister, and he's my boyfriend," nakangiti pang sagot naman ni Lily sabay hawak sa braso ni Brandon.
"I see, we're the parents of Mitch," sabi naman ng nanay ni Mitch. Dahil wala naman akong balak na makisali sa kalukohan ni Lily ay hinigit ko na lang paalis si Mitch.
"Rylan, saan tayo pupunta? Baka magsimula na ha."
"Sa canteen lang, bibili lang tayong tubig."
"Ah sige, gusto ko rin."
"Eh ako di mo tatanungin kung gusto ko," nagulat naman kami parehas ni Mitch dahil sa nagsalita sa aming likuran.
"Alam mo, hindi ka lang basta unggoy!! isa kang kabuteng unggoy!" inis na sigaw pa ni Mitch dito.
"Ewan ko sayo, bansot," sagot lang naman ni Cris.
"Rylan, pwede bang manuod ng ceremony nyo?" tanong pa ni Cris sa akin pagbaling nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/211662606-288-k435865.jpg)
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...