I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Ry ko! I'm home!!!" sigaw ni Dylan na nasa sala ngayon.
"Dylan welcome home," bati ko naman sa kanya, habang nakasilip sa pinto ng kusina.
Tapos na akong magluto ng hapunan namin, sinisimulan ko ng lutuin ngayon ang pangpulutan nila para mamaya.
Habang nakangiti sa akin si Dylan ay bigla kong napansin ang lalaking nasa likod niya. Siya ata yung kaibigang sinasabi ni Dylan sa akin kanina.
"Halika Ry ko, may ipapakilala ako sayo," masayang sabi pa ni Dylan habang pinapalapit ako sa kinalalagyan nila. Mabilis naman akong lumapit sa kinaroroonan nila dahil sa kanyang sinabi.
"Ry ko, ito nga pala si Nico," ani Dylan, sabay turo sa lalaking katabi.
Tiningnan ko naman ito. Matangkad din, maputi at medyo singkit ang mga mata, naka ngiti din siya sa akin ng maganda, ang itsura niya ay pang Good boy look. Inilahad ko na lang ang kamay ko para makipag kamay sa kanya. Tiningnan lang naman niya ito at hindi inabot.
"Nico ito naman si Rylan, siya yung lagi mong nakakausap sa telepono," pagpapakilala ni Dylan, nakatingin lang sa akin itong si Nico at wala atang balak makipagkamay kaya ibinaba ko na lang.
Ngumiti siya lalo sakin at ginulo ang buhok ko."Hello Rylan!" masaya pang bati ni Nico. Nang marinig ko ang boses niya ay bigla kong naalala kung saan ko siya unang nakausap. Siya yung tumawag kay Dylan nung may sakit siya, ganun din yung nakausap ko kanina sa telepono.
"Oyy tanggalin mo nga yang kamay mo sa Ry ko! sabi ko nga sayo kanina ay wag mo syang matingnan-tingnan," parang bata namang sabi ni Dylan, habang tinatanggal ang kamay ni Nico sa sa aking ulo.
"Boss naman, binabati ko lang naman siya." Depensa naman ni Nico.
"Bati lang walang hawak," inis naman na sabi pa ni Dylan, at sinimangutan pa ang kaibigan.
Hindi ko na lang sila pinansin at baka mabaliw pa ako sa pinag uusapan nila. Bumalik na lang ako sa kusina para maituloy ko ang pagluluto, hindi ko naman napansin na sumunod pala sila sa aking likuran.
"Ry ko nakahanda na ba ang pulutan namin?" biglang tanong ni Dylan sa akin.
"Hindi pa, dahil niluluto ko pa at hindi kayo agad mag-iinom dahil kakain muna kayo ng hapunan, Okay?" ma-otoridad kong sabi sa kanya.
"Opo Ry ko," Siya at may pagsaludo pa.
"Oo nga pala, Ry ko may pasalubong nga pala ako sayo," turan ni Dylan habang inilalabas ang mga box sa loob ng isang paper bag.
Lumapit naman ako para makita ko kung ano ang dala nya, ipinatong nya ito sa ibabaw ng counter, namangha naman ako sa nakita, strawberry ito na may balot na chocolate yun ang laman ng isang box habang yung isa naman ay saging na may chocolate din, mukhang ang sasarap naman nito.
"Nagustuhan mo ba Ry ko?" tanong ni Dylan habang nakapamaywang pa, mukhang proud na proud siya.
"Oo naman salamat Dylan, saan mo to nabili?"
"Sa opisina ko yan nabili."
"Ako ang nagsuggest niyan, buti at nagustuhan mo Rylan," nakangising sabi naman ni Nico na nakaupo na rin dito sa likod ng island counter.
Tiningnan naman siya ni Dylan ng napakatalim na parang ano mang oras ay papatay na.
"Oyy ano sinasabi mo diyan Nico?" nagngangalit na tanong pa ni Dylan dito.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...