I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON POV
HABANG isinasagawa ng taong iyon ang masamang balak nito kay Rylan ay di nito alam na may nakatingin at nakapanuod mula sa di kalayuan.
NASA meeting si Dylan sa isang mamahaling restaurant nang makaramdam siya ng kakaibang kabog sa kanyang dibdib, kinakabahan siya ng hindi nya maipaliwanag.
Bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan ang maamong mukha ng Ry niya. Mabilis siyang nag excuse para magpunta sa Cr at matawagan ito, naiwan naman si Nico na nagtataka dahil sa ikinikilos ng kanyang boss
Pagpasok pa lang ni Dylan sa Cr ay tinawagan na niya si Rylan, pero kahit isang beses ay di ito sumasagot. Lalong lumakas ang kaba sa kanyang dibdib at napagpasyahan niya na umalis na.
"I'm sorry Mr. Henson but I really need to go," matigas na pagkakasabi ni Dylan kaya di na nakatanggi ang kanyang kausap na business man. Nagmamadali si Dylan na pumunta sa parking lot ng restaurant para mahanap ang kotse niya.
"Teka boss , ano bang nagyayari?" nagtatakang tanong pa ni Nico, habang hinahabol ang mabilis na paglalakad niya.
"I need to go home, and when i call you you know what to do."
Yun lang ang narinig ni Nico habang humaharurot na umalis ang kotseng sinasakyan ng kanyanh boss.
Sa tagal ng pagkaka-kilala ni Nico kay Dylan ay ngayon lang niya itong nakita na ganito kataranta.
▼△▼△▼△▼△
RYLAN POV
ANG DILIM ng paligid kung nasaan ako ngayon, kahit tumingin ako saan mang dereksyon ay wala akong maaninag na kahit ano. Malamig rin ang paligid at walang ingay na maririnig, hindi rin ako makasigaw kahit gustuhin ko man.
Isang yabag ng paa ang aking narinig at palapit ito ng palapit sa aking kinaroroonan, gusto ko mang kumawala, pero may pumipigil sa akin. Habang lumalapit ang tunoy ay kasabay ng pagbigat ng aking paghinga at pagbilis nang pintig ng aking puso.
Pabilis nang pabilis at palapit na ito ng palapit nang...
Tumigil ito sa aking harapan...sabay tanggal sa bagay na nakaharang sa aking mga mata.
Isang lalaki, pamilyar ang kanyan mukha. Nakangisi siya sa akin na para bang wala na ito sa kanyang katinuan.
Habang unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha ay unti-unti ko na rin itong na-aaninag, gayun din ang pagbigat ng aking paghinga na para bang mauubusan na ako ng hangin sa katawan...
Ayan na kaunti na lang at makikilala ko na ang lalaki nang biglang...
Pinilit kong hinabol ang aking hininga, ayan na naman ang aking panaginip.
Hindi naman ganun kadiliman sa aking kinalalagyan kaya nailibot ko ang aking paningin sa paligid at halos takasan ako ng dugo sa aking buong katawan ng makita ang lugar na kinalalagyan ko.
Unang-una ay hindi ito pamilyar sa akin, pangalawa ay nagkalat sa buong pader ang mga litrato ng iba't ibang babae, halatang patago lamang na kinunan ng litrato ang mga babaeng ito.
Talaga namang nakakapangilabot ang aking nasaksihan ng makita ko na isa ang aking litrato sa mga nadikit sa pader. Ang ipinagtaka ko lamang ay ako lang ang lalaki, dahil lahat ng nasa larawan ay mga kababaihan, lahat sila ay maganda, pero di ko mawari ngunit pakiramdam ko ay may pagkakatulad silang lahat.
Bumalik ang lahat ng kaba at takot sa aking dibdib ng marinig ko ang isang boses.
"Gising ka na pala Rylan."
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...