I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV"Ry ko, delikado yung ginawa mo kanina ah, wag mo ng uulitin yun," pangaral pa ni Dylan nang makapasok kami sa bahay.
Dahil sa bigla nyang pagpreno kanina ay muntikan na kaming mabangga. Mukhang hindi talaga niya nagustuhan ang naging biro ko.
'Pero bakit siya ang lakas mang asar? nainis na rin naman siya kaya sagadin na ko na di ba?'
"Bakit? Masama bang tawagin kitang Mahal kong Asawa?" nakangisi at malambing ko pang sabi sa kanya. Nakita kong namula na naman ang pisngi niya. 'Kyut talaga.'
Pero, hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin, jusko na asar na ata talaga siya.
Bigla kasing kumunot ang kanyang noo at masamang tumingin sa akin habang naglalakad palapit sa aking kinalalagyan. Napalunok naman ako nang sunod-sunod dahil sa takot. Hindi ko na din napansin na dahil sa pag-usad ko patalikod ay napasandal na ako sa pader.
"He-he Dylan nagbibir--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang iharang ang dalawang kamay sa aking gilid para ikulong ako sa pamamagitan ng katawan niya at mga braso.
Lalo akong kinabahan ng ilapit niya nang sobra ang kanyang mukha sa akin, wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata kaya lalo akong natakot at napapikit na lang.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko at...
"Pag di ka pa tumigil Ry ko, aasawahin talaga kita," turan niya, na puno ng pagbabanta habang marahang kinagat pa ang tenga ko na nagdala ng matinding kilabot sa aking buong katawan.
Naramdaman ko din ang pagbaba niya sa aking may leeg at balikat, kung saan doon ay ginawaran rin niya ng mumunting halik ang parteng iyon.
"D-Dylan sorry na nagbibiro l-lang ako." nanginginig ko pang saad, habang inilalayo ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Hindi ko pa tinatanggap ang sorry mo Ry ko. Biruin mo na ako sa ibang lugar wag lang pagnagmamaneho, napakadelikado talaga noon," bulong niya habang nakasiksik pa rin ang mukha sa aking leeg at patuloy pa rin na inaamoy ang parteng iyon.
Ramdam ko rin na ang kamay na nasa pader kanina ay nakayakap na sa aking bewang. Napabuntong hininga naman ako, mukhang hindi talaga tama ang ginawa ko kanina.
"Sorry na talaga Dylan, hindi ko na uulitan pa," sinsero kong paghingi ng tawad sa kanya. Inilagay ko din ang kamay ko sa kanyan likudan para marahang haplosin iyon. Naramdaman ko naman na mas humigpit ang yakap niya sa aking bewang.
"Wag mo nang uulitin yun Ry ko ha, kung ako lang ang masasaktan pag nabangga tayo ay okay lang sa akin, pero nandun ka din. Paano kung ikaw ang masaktan, hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Humarap siya sa akin at marahang hinaplos ang aking pisngi.
Nakunsensya naman ako ng sobra dahil hanggang sa huli ay kalagayan ko pa rin ang inaalala niya.
Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa kanya. Hinawakan ang kanyang mukha at tiningnan siya ng seryoso.
"Dylan, sorry na talaga ha di ko na uulitin yun, PERO tigilan mo na ako sa pang aasar mo!" sabi ko pa sa kanya. Nawala na ang kalungkutan sa mukha niya at napalitan na naman ito ng isang pilyong ngiti.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...