I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
HAYSS, isang linggo na rin ang nakalipas nang mangyari ang tungkol sa pagdukot sa akin ni Leo. Si Dylan ay daig pa ang PSG dahil sa pagbabantay na ginagawa sa akin. 24/7 na nakadikit siya sa kin, pati pagligo ko ay kasabay na rin niya. Isang linggo din siyang nag-leave sa trabaho mula ng mangyari ang insidenteng iyon.
Ang buhay naman ay tuloy pa rin kahit napakaraming pagsubok. Natatandaan ko pa rin ang nangyari nang gabing iyon. Pagkatapos nilang maisakay si Leo sa ambulansya ay isinama naman kami sa police station para daw makunan ng statement dahil sa nangyaring kidnapping.
Doon ay isinalaysay ko lahat ng nangyari. Tinanong nila ako kung magsasampa kami ng kaso, pero umayaw ako. Nagalit pa nga si Dylan dahil hindi niya daw mapapatawad si Leo dahil sa ginawa nito. Pero sinabi ko naman sa kanila na hindi ako nito sinaktan at sa tingin ko ay may matinding pinagdadaanan ito.
Paglabas namin galing police station at pagpasok namin sa kotse ni Dylan ay hindi na ako pinakawalan nito sa kanyang yakap, pinabayaan ko lang siya dahil alam kong nag alala siya ng sobra sa akin. Ramdam ko pa ang pangangatal ng kanyang mga kamay na nakahawak sa akin kaya naman hinagod ko ang kanyang likod para kumalma siya.
Inimbestigahan nila lahat ng mga babaeng nasa litrato at napag alaman nila na wala naman kahit isang ginalaw si Leo sa mga ito, mahilig lang siyang kumuha ng mga patagong litrato.
Hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin si Leo sa ospital. Nasabi din samin ng mga pulis na hindi siya makukulong dahil sa mental institution siya mapupunta para magpagaling.
Nagdadanas pala siya ng isang matinding depression kaya nakagawa siya ng mga ganung bagay.
Ngayon ay balak namin ni Dylan siyang bisitahin kasama ang mga kaibigan namin. Nung una ay di sila makapaniwala dahil nagawa iyon ni Leo, pero sabi naman din ni Benny na dati pa syang nakakahalata sa kinikilos nito, hindi lang niya pinagtuonan ng pansin. Galit sila sa ginawa nito, hindi mismo kay Leo. Alam ko na hindi agad nila mapapatawad ang taong itinuring na kaibigan, pero hindi rin ibigsabihin noon ay hindi na nila siya bibigyan pa ng pagkakataon na magbago.
Si Dylan ay di lang masyadong nagkukumento, pero alam kong hindi pa niya natatanggap ang lahat.
"Dylan tayo na!" sigaw ko, mula sa labas ng kwarto niya. Ang tagal kasi niya magbihis. Halatang ayaw nilang puntahan si Leo.
"Nandyan na Ry ko!" sigaw naman niya pabalik. Bumaba na ako para ihanda ang mga dadalhin ko para sa pagbisita.
Ilang minuto ang nakalipas ay bumaba na si Dylan mula sa kanyang kwarto at pumunta na kami sa garahe para ilagay ang mga dala namin. May dala din kaming prutas at bulaklak.
Nang makarating kami sa ospital ay sinamahan kami ng isang police officer para magtungo sa kwarto ni Leo, may mga pulis pa kasing nagbabantay rito.
Pagdating namin sa kwarto niya ay pinaghintay muna kami ng mga police bago namin siya makausap kaya naupo muna kaming lahat sa mahabang upuan sa labas ng kanyang kwarto.
Ngunit bago pa kami makaupo dito ay may mag asawa nang nauna sa amin.
"Ah bisita din po ba kayo ni Leo?" tanong ko naman sa di pa katandaang babae. Siguro mga 45 years old palang siya, halata ang pagod at pag aalala sa kanyang itsura.
"Oo hijo, anak ko si Leo, mga kaibigan niya ba kayo?" sagot naman niya sa sa amin na may kasama pang tipid na ngiti.
"Mga kaibigan nya po kami, kamusta na po siya?"
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...