Hey guys!!! eto na po ang special chapter: Honeymoon nina Dylan at Rylan.. Ngayon pa lang sorry na po dahil super trying hard yung BS ko pero sana ma- appreciate nyo pa rin!!
Enjoy!!
Thanks BJrokiSakata for this wonderful Fanart!! thanks bes, love lots💕
-------------********---------------
SPECIAL CHAPTER: HONEYMOON
DYLAN POV
"Dylan, gising na!!!" excited na sabi ng asawa ko habang nagmamadaling inaalog ang aking balikat.
Kinukusot ko pa ang mata ko dahil sa antok, nailibot ko ang aking paningin sa paligid. Preskong hangin, at mahinang tunog ng alon.
'Hayss, napakagandang tanawin at lugar, perpekto para sa aming honeymoon ng aking mahal,' isip-isip ko pa habang gumuguhit ang malapad na ngiti sa aking labi.
"Dylan, maligo ka na!" sabi pa sakin ng mahal ko ng makita nya akong nakatayo lang sa gilid ng kama.
"Sobra ata ang excitement ng asawa ko ah," nakangisi ko pang sabi sa kanya, Inirapan lang naman niya ako at lumabas ng kwarto.
Napailing na lang ako habang nakangisi pa arin at bumagtas na papunta sa banyo. Mabilis akong naligo dahil baka magalit na talaga ang mahal kong asawa. Mukhang excited na excited na syang maglibot sa tabing dagat ah.
We're in hawaii for our 2 weeks honeymoon, mom and dad fund this vacation for us a gift in our wedding. Kadadating lang namin dito kagabi kaya naman hapon na ng kami ay magising, At sobrang sabik na rin ang mahal ko na maglibot sa buong lugar.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis ako ng damit na inihanda ng Ry ko.
"Mahal ko, halika na," pag aaya ko pa sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa sofa at nakanguso. Napangisi ako lalo dahil sa sobrang kyut niya.
"Wag ka nang magtampo," sabi ko pa sabay kurot sa pisngi niya kaya lalo niya akong tiningnan ng masama.
Napatawa ako lalo at yumuko para mahalikan ang napakalambot nyang mga labi.
Namula ang mga pisngi niya at napayakap sakin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang isiksik ang mukha ko sa leeg nya para maamoy ang matamis at mabango nyang halimuyak.
Pagkatapos ng ilang minuto ay ngumiti na siya sakin at naglakad na kami palabas ng hotel na aming tinutuluyan.
Maraming mga tao dito sa labas ng resort. Karamihan ay mga foreigner galing sa iba't ibang bansa na kagaya namin.Maganda ang paligid at napakaganda talaga ng tanawin, may mga turista rin, pero di naman ganun ka occupied ang lugar. Nilingon ko ang tabi ko para hawakan ang kamay ng asawa ko, baka kasi bigla syang mawala.
"Ry ko, kumapit k--" sabi ko pa sa tabi ko pero nagulat ako ng mapansing wala na nga sya!
"Ry ko, Ry ko!!" sigaw ko pa dahil sa pagkataranta.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...