I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
DEC. 19.
HABANG pumipili ako ng christmas decoration ay di ko mapigilang mapangiti dahil sa malamig at masayang pakiramdam sa aking dibdib habang naririnig ang masiglang kanta na pampasko.
Sana maging masaya ang paskong ito para sa amin ni Dylan, medyo masakit pa rin sa akin na di ako uuwi ngayong pasko para makasama ang aking pamilya dahil di ko kayang iwan si Dylan, nakukunsensya ako pero mas na nanaig ang pagmamahal ko sa kanya, Kaya siya ang pinili ko.
Nagising lang ako sa aking pag iisip nang biglang magsalita si Dylan sa aking tabi.
"Ry ko, ito maganda oh," saad niya sabay pakita sakin ng gold na Christmas balls.
"Sige maganda nga yan," nakangiti ko pang sagot bago kunin ang Christmas balls na ibinibigay niya at inilagay iyon sa cart.
Nandito kami ni Dylan ngayon sa mall para bumili ng mga Christmas decoration para sa bahay, dapat noon pa namin ito ginawa, pero busy kami parehas nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang kami nakapamili.
Medyo late na, pero gusto pa rin ni Dylan magdecorate sa bahay, gusto din niya na magkaroon ng Christmas tree. Napapangiti na lang ako, nalabas na naman ang pagiging bata niya dahil sa kanyang pagiging excited.
Kahit ako din naman ay nasasabik na maglagay ng mga dekorasyon sa bahay, lalo na ang Christmas tree, ngayon lang ako makakaranas ng ganito.
Naglibot-libot pa kami para makapamili ng iba't ibang dekorasyon. Sa huli ay nakabili kami ng Christmas tree, iba't ibang ornaments, mga Christmas lights at marami pang iba.
Naisipan ko na rin na bumuli na ng mga regalo para sa mga kapatid ko, kay nanay at tatay, mahirap na kasing bumili pag sa isang araw ko pa ito ginawa. Sobrang dami ng tao ngayon, siksikan at halos lahat ay nagmamadali. Tipikal na araw basta nalalapit na ang kapaskuhan.
Mula ng makapagdesisyon ako na mas pinipili kong makasama si Dylan sa pasko ay hindi ko pa rin nakakausap ang nanay at tatay ko tungkol doon, tatawagan ko sila mamaya.
Pagkatapos naming mamili ay nagpunta pa kami sa ibang store, nag lunch na rin kami sa isang restaurant dito sa mall. Hindi pumasok si Dylan sa trabaho ngayon para nga daw samahan akong mamili ng decoration. Hindi rin ako tumanggap ng mga order ngayon para makapag focus kami ni Dylan sa pagbili at pag aayos ng bahay mamaya.
Nang makauwi kami sa bahay ay inilagay muna namin ni Dylan lahat ng mga pang decorate sa sala.
Nagbihis muna kami bago simulan ang pag aayos ng bahay. Parehas kaming nakangiti dahil sa excitement na nararamdaman.
"Ry ko, ano uunahin natin?" tanong pa niya habang inaalis lahat ng decor sa mga paperbag nito.
"Dito muna tayo sa loob ng bahay, unahin natin yung hagdan at mga bintana," nakangiti ko pang sagot. Tumango naman siya at sinimulan na namin ang pagde-decorate.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...