I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Ry ko, we're homeee!" masaya pang sigaw ni Dylan ng makauwi na kami sa bahay, may pagtaas pa ang kamay niya habang nakasunod lang naman ako sa kanyang likodan.
"Ry ko, may pasalubong ako sayo," aniya sabay abot sa akin ng box ng pizza, inilapag din niya ang dalang brief case sa sofa habang inaalis ang suot na coat.
"Salamat Dylan," napakagat labi ako habang pinipigilan ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko, medyo nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari kanina, pero di ko mapilang masabik dahil narito na siya ulit.
Ilang oras lang kaming nagkahiwalay, pero napakatagal na noon para sa akin kaya naman masaya akong natupad ang aking hiling na maaga syang maka-uwi ngayon.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa aking kinatatayuan. As in malapit na halos lumapat na ang aking mukha sa matipuno nyang dibdib.
Naramdaman kong itinaas niya ang aking mukha sa pamamagitan ng paghawak sa aking baba, iniyuko niya ang kanyang mukha hanggang sa halos
maglapat na ang aming ilong at inilingkis din niya sa aking bewang ang isa niyang braso.Para akong nabingi at natulala sapagkat pakiramdam ko ay naglaho ang lahat ng nasa aming paligid at tanging malakas na tibok na lamang ng puso ko ang aking naririnig at ang maiinit niyang hininga na tumatama sa aking pisngi na nagdala ng matinding kilabot at kilig sa aking katawan.
Tumitig siya nang deretso sa aking mga mata, halos mapasinghap naman ako dahil sa tindi ng kanyang pagkakatitig sa akin na tila ba ay hinihigit ang aking kaluluwa papasok sa maberde niyang mga mata, kahit anong pilit kong iiwas ang aking paningin ay hindi ko magawa, parang may isang malakas na pwersang pumipigil sa akin na gawin iyon.
Ilang minuto siyang nanatili sa pagtitig sa akin nang maramdaman ko na unti-unting lumalapit pa ang kanyang mukha sa akin.
E-Eto na naman ba, hahalikan na naman nya ko? Dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib ay di ko na namalayan na naipikit ko na pala ang aking mata habang hinihintay na lumapat ang kanyang malambot at mainit na labi sa akin.
Hmm...bakit ang tagal ata? Imumulat ko na sana ang mata ko ng maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tenga, ang maiinit at mabango nyang hininga na nagpapainit ng aking katawan.
"Namiss mo ba ako, mahal kong asawa?" mahina at malambing pa niyang bulong sa aking tenga.
Para akong nauubusan ng hangin dahil sa kaba o dahil sa pagkakahawak niya sa aking katawan pasiksik sa kanya.
"Oo," salitang di ko inaasahan na magmumula sa akin para sagutin ang kanyang katanungan, para akong napasailalim sa isang mahika at hipnotismo.
Nagulat ako ng humarap siya sa akin ng ngiting-ngiti, para siyang bata na binigyan ng kendi. Mabilis pa siyang lumapit sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisngi.
"Namiss din kita ng sobra Ry ko," masayang turan niya sabay yakap sa akin at binuhat pa talaga ako.
Nang maibaba niya ako ay narinig ko pa ang sinabi niya," Ry ko magbibihis lang ako." at umalis ito na parang itong buhawi sa bilis paakyat sa kanyang kwarto.
Napailing na lang ako dahil sa mga nangyari, aaminin ko sa sarili ko na nanghinayang ako dahil di niya ako hinalikan, pero masaya pa rin ako dahil kasama ko na ulit siya, at yun lang ay sapat na.
▼△▼△▼△▼△
"Oo Dylan, may naging kaibigan na agad ako," masayang pagbabalita ko pa sa kanya, habang nilalagyan ng kanin ang kanyang plato.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...