Chapter 20

6.8K 311 11
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ





RYLAN POV

'Ano ba talaga problema nito ni Dylan? nalabas na naman ang kawirduhan niya, pati ba naman mga kaibigan ko ay pinag-iisipan niya ng kung ano-ano.'

'Hayss di ko talaga siya maintindihan,' hindi ko napigilan ang sarili ko na di mapailing dahil sa amo ko na nababaliw na ata.

"Dylan, alam kong nag aalala ka para sa kin, pero kaya ko naman protektahan ang sarili ko, lalaki ako."

Kita ko naman ang pagkumunot ng kanyang kilay, pero kasabay noon ang unti-unting pag-gaan ng pakiramdam sa aming paligid. 'Mukhang sa wakas ay nakuha na niya ang ibigsabihin ko.'

"Oo alam ko yun, per---"

"Teka! babae ba tingin mo sa akin?" pang aasar ko pa sa kanya. At nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi, ramdam kong mabilis na naglaho na ang tensyon na bumabalot sa aming dalawa.

"Hindi ah, di isang babae ang tingin ko sayo, pero bakit kasi ang ganda mo," hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi sapagkat bigla nyang ipatong ang ulo ibabaw ng manubela.

Nang mailinga ko ang aking paningin ay doon ko lang napansin na kanina pa pala kaming nakatigil dito sa tapat ng bahay namin.

"Dylan? may problema ka ba?" tanong ko na may halong pag aalala, bukod sa iba ang kanyang ikinikilos ay parang ang lalim pa ng iniisip niya.

Hindi agad siya nagsalita ng tanungin ko siya, narinig ko na lang na bumuntong hininga siya bago humarap sa akin,

"Ry ko, sorry talaga pasensyahan mo na ako, alam kong wala na akong katwiran at karapatan para pigilan ka sa mga gusto mo  pero nag aalala talaga ako sayo," sinserong wika pa niya habang suot-suot ang expresyong ngayon ko lang nakita sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nag mamaka awa siya sa akin.

"Maraming maraming salamat sa pag-aalala mo sa akin Dylan, alam ko rin naman na nandyan ka lagi para sakin kaya naman malakas ang loob ko na gawin ang mga bagay na gusto ko."

"Alam mo namang gagawin ko lahat para sayo di ba, hindi mo lang ako basta employer, kaibigan mo din ako."

'Aray na-friendzone ako dun ah.' Mabuti na lang at hindi bumakas ang pagkadismaya sa aking mukha nang sabihin niya ang bagay na iyon.

"Pwede sa loob na natin ipagpatuloy ang pag-uusap, kanina pa tayo dito oh," ani ko sabay baba sa sasakyan para buksan ang gate ng garahe.

"Oo naman."

▼△▼△▼△▼△

"Dylan eto oh, inom ka muna para lumamig ulo mo."

"Di naman maiinit ang ulo ko."

"Anong hindi, ang sama ng tingin mo sa mga kaibigan ko kanina," tugon ko, sabay lapag ng inumin sa harapan niya.

"Hindi ko lang nagustuhan na pinipilit ka nilang sumama sa kanila, kung di ako dumating sigurado akong nakumbinsi ka na nila di ba?" nakanguso pang ani Dylan.

"Hayss, sorry na talaga di na po mauulit."

"Ry, promise mo ha para di ako mag-alala sayo. Dati ay hindi ako nag-aalala sapagkat alam kong nasa loob ka lang ng bahay natin, pero ngayon ay malaya ka nang gawin ang gusto mo," seryosong aniya, habang nakatingin sa basong kanyang hawak.

Ang totoo nyan ay di rin naman ako lumalabas palagi. Mas sanay ako dito sa loob ng bahay. Kaya lang ako naeenganyong lumalabas ay kapag niyaya ako nina Gab na maglaro ng basketball o kaya kapag pumupunta ako sa park na matatagpuan dito sa loob ng subdivision. Hindi rin naman iyon araw-araw kaya halos wala namang nagbago sa aking buhay.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon