Chapter 45

4K 209 23
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ





RYLAN POV

PILIT kong inayos ang aking sarili bago sumakay sa jeep, pagkatapos kong maiabot ang aking bayad ay yumuko na lang ako para di makita ng mga kasakay ko sa jeep ang paga at  namumula kong mata. Habang tahimik akong nakaupo ay biglang nag-vibrate ang aking cellphone.

"Rylan, nasaan ka na kanina pa kitang hinihintay dito," sabi pa ni Mitch sa kabilang linya.

"P-Pasensya na Mitch, biglang sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako."

"Ganun ba, sya mag ingat ka sa pag-uwi ha, pagaling ka," malungkot, pero may pag unawa na saad pa niya.

"Salamat Mitch."

▼△▼△▼△▼△

WALANG lakas ang aking katawan habang naglalakad ako papasok sa bahay. Wala din akong ganang kumain kaya dumeretso na lang ako sa aking kwarto para makapagbihis na.

Nang maayos ko lahat ng aking mga gamit at malabhan ko na ang aking uniform ay bumalik na ulit ako sa aking kwarto para magpahinga ulit, gusto kong itulog na lang ang lahat ng sakit at paghihinagpis na aking nararamdaman ngayon, hindi nga pisikal na sugat ang meron ako, pero durog na durog naman ang puso ko.

Habang nakahiga ako sa aking kama at nakatingin sa larawan namin ni Dylan noong niregaluhan niya ako ng apron ay di ko mapigilang mapangiti habang tumutulo ang aking mga luha.

Bahagya kong hinaplos ang nakangiting mukha ni Dylan sa litrato habang yakap niya ako. Miss na miss ko na siya, sobra na ang pangungulila ko sa kanya.

Wala akong ibang nagawa kundi ilagay sa aking dibdib at yakapin ang litrato niya. Habang lumuluha ay di ko na napansin na nakatulog na pala ako.




SA SOBRANG sakit ng aking mata ay halos di ko ito maimulat, pero pinilit ko pa rin dahil kailangan ko nang bumangon. Tumingin ako sa orasan sa aking tabi, napasobra ata ang tulog ko dahil gabi na nang magising ako. Hindi pa rin naman ako nakakaramdam ng gutom, pero kailangan kong magluto, baka sakaling maisipan ni Dylan umuwi at kumain dito.

Niluto ko ang paborito naming ulam, adobo na may patatas, at kanin. 8:00 pm na ngunit wala pa siya. Siguro ay kasama niya hanggang ngayon ang kanyang pamilya.

Yun naman talaga ang dapat para kay Dylan. Ang magkaroon ng buo at sariling pamilya para mawala na ang pangungulila niya sa isa at buong pamilya na kahit kailan ay di niya nakamit.

Siguro ay kailangan ko nang tanggapin ang lahat, wala din namang magbabago kahit mag iiyak ako dito, di naman siya babalik at lalong di naman niya ako pipiliin. Tinapos ko ang pagkain ko at nilinis ang kusina.

▼△▼△▼△▼△

MULA paggising ko ng umaga ay pinilit ko nang pagaanin ang aking pakiramdam, ngumiti ako at sinimulan na ang gawain ko sa bahay, kahit ano pang nararamdaman ko ay di mababago nun na isa lang akong kasambahay ni Dylan, kaya kailangan ko pa rin gampanan ang aking tungkulin kahit hindi na umuuwi ang boss ko.

Itinuon ko na lang ang lahat ng aking atensyon sa pag lilinis para naman mawala sa aking isip ang kalungkutan.

Kahit gaano kadami ang gawin ko ay di pa rin mawala ang pagkakataon na bigla na lang akong matulala at isipin na naman ang nangyayari. Katulad na lang ngayon habang nagtutupi ako ng mga damit, di ko man lang napansin na kanina pa pala akong nakatulala sa kawalan.

Nagising lang ako ng biglang nag ring ang telepono sa sala. Nagmadali naman akong pumunta sa kinalalagyan noon at nagbabakasakali na baka si Dylan iyon.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon