I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
KINABUKASAN ay pinilit kong ginising si Dylan, pero mahimbing pa rin ang tulog niya kaya naisipan kong tawagan si Nico at sabihing baka di makapasok si Dylan.
"Nico, tulog pa rin si Dylan hanggang ngayon, baka di na sya makapasok sa trabaho."
"Okay Rylan, ako na ang bahala dito," sagot pa ni Nico.
Pagkatapos ng aming pag uusap ay bumalik na ako sa kusina para ipaghanda ng inumin si Dylan para sa kanyang hangover. Kailangan ko na rin ayusin ang aking mga gamit dahil may klase ako ngayon sa cooking class. Habang nagdidilig ako ng halaman sa garden at sa may pool ay napansin ko na nakaupo na si Dylan sa kusina. Gamit ang back door na kunektado sa bahay ay doon ako dumaan para mas madali akong makapunta sa kusina.
"Dylan, gising ka na pala, Good Morning," masaya ko pang bati sa kanya na parang walang nangyari kagabi.
Hindi siya umimik, ni hindi nga niya ako tinapunan ng tingin, nakatulala lang siya sa kawalan na para bang wala ako sa kanyang harap.
Parang tinusok ng milyong karayom ang aking puso, ang sakit pala na hindi pansinin ng taong mahal mo, pero ayokong magdrama lalo na at umaga pa lang kaya naman lumapit ako sa kanya, baka naman inaantok pa? Kaya di niya ako napansin.
"Dylan," pagtawag ko ulit sabay hawak sa kanyang balikat, para naman siyang nakuryente at mabilis na lumayo sa akin. Pinigilan ko ang aking nararamdaman.
"Ah Ry ko ikaw pala, g-good morning," mahinang bati pa niya at hindi pa makatingin ng deretso sa akin.
"Sigurado akong gutom ka na kaya ipaghahanda na kita ng almusal," nakangiti, pero pinipigilan ko lang ang aking emosyon na bumuhos.
Hindi siya nagsalita at tumango na lamang, ibinigay ko rin ang ginawa kong banana shake para matanggal ang kanyang hangover. Nagpasalamat naman siya, pero ramdam ko na wala iyong kabuhay-buhay.
Hindi ko na lang pinansin ang lahat at minabuti na lang na maghanda para sa pagpasok sa aking cooking class.
Iniwan ko siya sa kusina habang kumakain, pero di man lang niya ako inalok o kinulit katulad dati. Hayss, masyado akong nag iisip ng kung ano-ano.
"Syempre masama ang pakimdam nya, babalik din siya sa dati," pangungumbinsi ko pa sa aking isipan kahit alam kong kasinungalingan lamang ang lahat.
Pagkatapos kong magbihis ay binalikan ko siya sa kusina, ngunit wala na siya roon kaya, paakyat na sana ako sa kwarto niya ng mapansing nakaupo pala siya sa sofa.
"Dylan, aalis na ako ha, may niluto akong pagkain. Nasa ref imicrowave mo na lang mamaya."
"Mag iingat ka," yun lang ang naging sagot niya sa kin at binigyan ako ng tipid na ngiti.
Nakagat ko na lamang ang ibaba ng aking labi dahil sa sakit na naramdaman.
HINDI ko halos alam kung paano ako nakarating dito sa school dahil lutang na lutang ang aking isipan, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi.
Hindi ko rin maintindihan ang lahat ng sinsabi nitong madaldal kong katabi. Bumalik lang ang aking konsentrasyon ng dumating na si Chef, ayaw kong mag isip ng kung ano- ano buong maghapon kaya naman itinuon ko nalang ang aking atensyon sa lahat ng itinuturo ni Chef.
"Rylan may problema ba?" tanong ni Mitch at napatango naman si Cris na nasa tabi nito habang nabili kami sa canteen.
"Wala naman mitch," sagot ko pa sa kanya.
"Anong wala eh kanina pa kaming nag aaway, pero di mo kami sinasaway."
Gusto kong matawa sa dahilan ni Mitch, ibig sabihin ay referee pala nila ako.
"Oo nga Rylan, parang sobrang lalim ata ng iniisip mo ah," pagsang ayon pa ni Cris. Mukhang ngayon lamang sila nagkasundo sa isang bagay.
"Wala to, baka gutom lang ito bili na tayo," nakangiti ko pang sabi sa kanila para maniwala sila.
Nagkibit balikat naman ang dalawa at bumili na rin, magkaparehas na magkaparehas talaga ang dalawang ito.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa room para ipagpatuloy ang klase, maraming itinuro si Chef na ikinatuwa ko talaga kaya naman kahit sa maikling oras na iyon ay nawala ang isip ko kay Dylan.Pero sabi nga nila ang kasiyahan ay mabilis na natatapos dahil alas dose na at tapos na ang klase namin ibigsabihin ay uuwi na ako at makikita ko na ulit si Dylan, kung dati ay excited akong makita siya, ngayon ay hindi na, matinding pagkailang lamang ang aking nararamdaman at kirot sa aking puso.
Pero wala naman akong magagawa, wala naman akong ibang uuwian kung hindi doon.
PINALAKAS ko muna ang aking loob bago pumasok sa gate, pero paghila ko roon ay ayaw nito bumukas, napatingin ako sa baba at nakitang nakasarado ito, ibigsabihin ay umalis ng bahay si Dylan.
Nagmadali ko itong binuksan at pumasok sa loob, pagtingin ko sa garahe ay walang sasakyan niya. Nagtungo din ako sa ref, hindi niya manlang ginalaw ang aking niluto para sa kanya, napangiti ako ng mapait.
Nanglulumo akong nagtungo sa aking kwarto para magpalit ng damit.
Nilibang ko ang aking sarili sa pagtapos ng mga gawain sa loob ng bahay at sa garden. Para di ko mapansin ang oras at di na rin pumasok sa aking utak si Dylan.
Hindi ko alam kung saan nagpunta si Dylan mula nang umalis siya kanina, sigurado akong wala siya sa opisina dahil tumawag si Nico kanina at may pinasasabi kay Dylan. Hindi daw kasi siya sumasagot sa tawag ni Nico kaya dito na siya tumawag sa bahay.
Gabi na ngayon at nagluluto na ako ng aming hapunan. Para akong baliw na naghihintay sa masigla at masayang sigaw galing kay Dylan kapag dumadating siya sa bahay.
"I'm home," iyan ang salita na nagpapasaya akin sa tuwing umuuwi siya, salitang nagpapawi sa lungkot at pananabik ko sa kanya. Pero mukhang hindi ko na ulit iyon maririnig pa.
Dumaan na naman ang ilang oras pa di pa rin siya dumadating, tinawagan ko na rin siya, ngunit wala namang sumasagot kaya nagpalipas oras na lang ako sa sala habang nanunuod. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kung hindi lang sa mahinang alog sa aking braso.
"Ry ko, bakit dito ka natutulog?" tanong pa niya.
"Hinihintay kasi kita Dylan, gutom ka na ba, ipaghahanda na kita ng hapunan," nagmamadali ko pang sabi sa kanya at mabilis na tumayo.
"Wag na, kumain na ako sa labas. Pupunta na ako sa kwarto," pagpigil pa niya sa akin na lalong nagpalungkot sa aking damdamin.
"Ah g-ganun ba, syempre naman dahil pagod ka na. Good night Dylan," pinipilit ko pang ngumiti kahit nadudurog na ang aking puso sa sakit, ngayon niya lang tinanggihan ang aking luto. Mas masarap ba ang ipinakain sa kanya ng babaeng yun? Hindi naman ako tanga para hindi isipin na ang babaeng yun ang kasama niya kanina.
Ang masakit pa ay wala namang akong karapatan kaya dapat di ako nasasaktan. Mabait lang talaga si Dylan at ako namang si baliw ay nag isip agad na may happily ever after kami, na pwedeng mahalin din niya ako. Pero ang totoo ay ilusyon lang ang lahat.
Kailangan ko nasigurong sanayain ang aking sarili sa normal na relasyon ng isang amo sa kanyang katulong.
Malungkot at walang lakas akong napasalampak na lang sa aking higaan.
May isang dasal lamang ako bago ako pumikit. 'Sana pag gising ko bukas ay bumalik na sa normal ang buhay namin ni Dylan.''Sana bumalik na ang makulit at mapang asar kong si Dylan.'
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...