I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN'S POV
"Saan ko ilalagay itong mga de lata, Dylan?" tanong ko habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.
Umuwi na rin kami sapagkat wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall. Tunay na nag enjoy ako sa mga bagong lugar na aking nakikita dito sa syudad.
Nagmula ako sa isang maliit na baryo at malayo pa sa amin ang maliit rin na bayan kaya maraming bagay na hindi ko pa nakikita na dito lang matatagpuan sa syudad.
"Ako na bahala d'yan Ry, dito kasi sa taas iyan inilalagay, kaso 'di mo naman abot," nakangisi pa niyang saad.
Lakas talaga niyang mang asar sapagkat hanggang balikat lamang niya ako. 'Ano bang magagawa ko kung higante talaga siya habang ako nama'y hindi nabiyayaan ng extra height.'
"Kaya nga naimbento ang HAGDAN, 'di ba?" inis ko namang bwelta sa kanya bago mag walk out.
"Joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit n'yan," sigaw pa niya habang tumatawa ng malakas.
Napailing na lamang ako at hindi na lang siya pinansin, baka masakal ko pa siya nang wala sa oras. Ngunit, nang makita ko ang binili naming graham crackers na nakapatong sa ibabaw ng mesa ay mabilis akong napangiti at nakalimutan ang inis na nararamdaman sa kanya.
◆◇◆◇◆◇◆◇
"Mas masarap pala ang luto mo kapag may sapat na mga sangkap," kumento pa niya sabay subo ng ulam na niluto ko.
Sa lakas kumain ni Dylan ay kaya niyang mapangalahati ang malaki naming kaldero na puno ng kanin.
"Ry kumain ka ng marami para tumaba ka naman," makulit pa niyang turan bago lagyan ng sandamakmak na kanin at ulam ang aking plato.
Simula nang una kaming kumain nang sabay ay tila ba nakasanayan na namin iyon. Bukod doon ay kinukuha rin niya ang aking plato at siya mismo ang naglalagay ng laman nito. Napapailing na lamang ako dahil sa kanyang ginagawa, pero wala naman akong lakas ng loob na pigilan siya dahil na rin siguro sa nakikita 'kong saya sa kanyang mga ngiti kapag napagsisilbihan niya ako.
Minsan napapaisip na nga ako kung tunay bang katulong o kasambahay ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko kasi tila isang kapamilya ang turing niya sa isang katulad ko.
Napangiti pa ako nang makitang sarap na sarap siya sa pag kain, at sinasabayan din niya iyon ng pag inom ng ginawa kong cu-cum-ber shake.
"Wow, sarap nito sobrang refreshing, sigurado akong masarap din itong inumin kapag summer."
"Akin na 'yan," turo ko sa iniinom niya.
Binigyan naman niya ako ng tingin na may halong pagtataka bago magsalita. "Bakit?"
"Ako iinom ngayon tapos pag nag summer na saka kita igagawa," sabi ko naman na ikinangiwi niya. Hinagisan din niya ako ng sibuyas galing sa ulam.
Napangisi pa ako nang makita ang magkasalubong niyang kilay. 'Oras ko naman para mang inis.'
◆◇◆◇◆◇◆◇
"Ano pa kayang masarap na flavor ng shake, Ry?"
"Hmm, melon at pwede ring orange," sagot ko naman habang naghuhugas ng pinagkainan namin.
"Hindi ba mapait iyong orange?"
"Bakit naman papait iyon?" tugon ko naman habang nakataas ang kilay, nagawa ko pang lingonin siya para silayan.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...