Chapter 23

6.1K 263 12
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ


RYLAN POV

ANG DILIM ng paligid kung nasaan ako ngayon, kahit tumingin ako saan mang dereksyon ay wala akong maaninag na kahit ano. Malamig rin ang paligid at walang ingay na maririnig, hindi rin ako makasigaw kahit gustuhin ko man.

Isang yabag ng paa ang aking narinig at palapit ito ng palapit sa aking kinaroroonan, gusto ko mang kumawala, pero may pumipigil sa akin. Habang lumalapit ang tunoy ay kasabay ng pagbigat ng aking paghinga at pagbilis nang pintig ng aking puso.

Pabilis nang pabilis at palapit na ito ng palapit nang...

Tumigil ito sa aking harapan...sabay tanggal sa bagay na nakaharang sa aking mga mata.

Isang lalaki, pamilyar ang kanyan mukha. Nakangisi siya sa akin na para bang wala na ito sa kanyang katinuan.

Habang unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha ay unti-unti ko na rin itong na-aaninag, gayun din ang pagbigat ng aking paghinga na para bang mauubusan na ako ng hangin sa katawan...

Ayan na kaunti na lang at makikilala ko na ang lalaki nang biglang...



"Huff ! AHH!" Mabilis na pagbawi ko sa aking hininga, sabay tanggal sa mabigat na katawan ni Dylan na katapatong sa akin.

Naalimpungatan naman siya dahil sa bigla kong pag-galaw. "Okay ka lang ba Ry ko?"

"O-Oo, ayos lang ako lalo na kung hindi mo ako pinatungan, ang bigat mo," reklamo ko na lang sa kanya, upang mawaglit ang aking isipan sa masamang panaginip na iyon.

"Sorry Ry ko, Good morning," masuyo pa niyang tugon sabay halik sa noo ko.

Tumayo na rin siya para mag inat ng katawan, pikit pa ang kanyang mga mata habang itinataas ang mga braso.

Kitang-kita ko ang pag galaw ng kanyang mga muscles sa tiyan at mga braso, pero di nakaligtas sa paningin ko ang isang bagay na nagpapula sa aking mukha. Alam kong normal lang naman na tigasan ang isang lalaki pag umaga lalo na kapag malamig. Bakas na bakas kasi ang hubog ng kanyang ari sa manipis na panjama na kanyang suot ngayon. 'Wala nga pala siyang brief.'

Iniwas ko na lang ang aking paningin mula doon at pinagtuunan ng pansin ang pag aayos ng aming hinigaan.

▼△▼△▼△▼△

"Handa ka na Ry ko? Marami tayong pupuntahan ngayong araw!" masigla niyang wika.

Halatang excited na excited si Dylan ah, maaga kasi kaming nagising kanina at naligo na agad siya ganun din naman ako. Sa labas na lang daw kami kakain hindi dito sa hotel.

Pagkalabas pa lang ng aming kwarto ay humampas na agad sa aking katawan ang malamig na hangin na halos tumatagos sa suot kong damit at jacket.

Habang naglalakad kami dito sa hallway ng hotel papuntang elevator ay napansin siguro ito ni Dylan ang pangangatal ko sapagkat bigla na lang niyang hinawakan ang aking kamay. Hindi ko na ito tinanggal pa sapagkat masarap sa pakiramdam ang init niyang mga palad. Hindi pa siya nakuntento dahil nagawa pa niyang inilagay ang bawat daliri niya sa pagitan ng aking mga daliri.

Bago kami pumasok sa elevator ay ipinasok pa niya ang magkasugpong naming mga kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang jacket.

Ang suot ni Dylan na jacket ay iyong mahaba na tinatawag di niyang trench coat, mas mahaba ito kesa sa normal na jacket. Sa tingin ko ay ang ganitong uri ng jacket ay nakikita lang sa ibang bansa kung saan ay suot ito ng mga business man.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon