I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"AHHHH WAG!"
Napasigaw ako ng magising dahil sa tubig na ibinuhos sa aking ulo. Habol ang hininga ko, kala ko ay malulunod ako dahil sa tubig.
Mabilis kong inilibot ang aking mata sa paligid, madilim ito halos wala akong maaninag, pero may isang ilaw sa tapat ng aking ng aking kinauupuan.
Nanginginig ako sa lamig dahil sa pagkabasa ng aking sarili, ramdam ko rin ang sakit ng ibang parte ng aking katawan tulad na lang ng aking braso, sa tingin ko ay bali ito.
Habang unti-unti kong na-aalala ang mga nangyari ay kasabay din noon ang malakas na pagkabog ng aking puso dahil sa kaba, noong dinukot ako ni leo noon ay di ako nakaramdam na may mangyayaring masama sakin di tulad ngayon. Kung sino man ang may gawa nito ay siguradong may malaking galit sakin, pero wala naman akong kaaway o nakasamaan ng loob.
'Wala nga ba?'
"Buti naman at gising ka na."
Nang marinig ko ang boses na iyon ay alam ko na agad kung sino ito.
"Bakit di ka nagsasalita? Baklang ahas," mataray na sabi nito habang bakas ang inis sa kanyang boses.
"Grace?"
"Buti at kilala mo kung sinong inaagawan mo," mayabang na sabi pa niya.
'Teka!! Hindi kaya sila din ang kumuha kay Dylan! Naku sana okay lang siya.'
"N-Nasaan si Dylan, ikaw din ba ang kumuha sa kanya!?" kinakabahang sigaw ko.
"Hindi ko siya KINUHA dahil akin naman talaga siya!!! Wag kang umepal bakla, hindi ka niya mamahalin!" galit at pasigaw na sagot niya habang nanglilisik ang mata sa akin.
"Saan mo siya dinala?"
"Wala ka na dun, mula ngayon ay magkakasama na ulit kami," nakangising sagot pa niya habang hinihimas ang baril na hawak.
A-Ano bang g-gagawin mo sa akin ha?" nauutal na tanong ko pa dahil sa kaba.
"Bakit ba ang dami mo pang tanong!!! Bakit di ka na lang mamatay!!!" sigaw pa niya sabay tutok ang baril sa akin.
BANG!!!
"WAGGGG!!!"
"Arrg!" Daing ko pa habang hawak ang aking ulo.
Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak ito at medyo nakakaramdam pa rin ako ng hilo. Habol ang hininga ko dahil sa kakaibang panaginip na iyon.
Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa kaba, kala ko ay totoo na ang lahat... T-Teka?
Bigla akong napaupo dahil unti-unti nang bumabalik ang lahat ng aking ala-ala. May mga dumukot sa akin tapos nawawala pa si Dylan, jusko sana ay ayos lang siya.
'May oras ka pang isipin ang kalagayan ng iba, kalagayan mo kaya isipin mo,' epal na sabi ng aking utak.
'Bakit ba ang taray ng utak ko, nababaliw na ata ako eh, kung ano-ano na kasi ang iniisip ko. Epekto din ba ito ng gamot na ipinaamoy nila sa akin.'
Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Hindi ito ang inaasahan kong makita, siguro mayaman yung kidnapper ko. Imbis na sa lumang bodega ako dinala ay sa hotel. 'Wow lang.'
Pero halos maluha na ako ng makitang nakabath robe na lang ako at wala na ang suot kong damit kanina. Buti dahil wala namang masakit sa katawan ko katulad sa aking panaginip at saka, nare-rape ba ang lalaki?
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...