I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
DEC. 25
"Kuya Rylan!!! Merry Christmas po!" magiliw na sabi pa ni Gab habang nasa gate ito ng bahay.
"Merry Christmas din Gab, halika pasok ka," tugon ko at mas niluwagan ang pagkakabukas ng gate para makapasok siya. Masaya naman siya at nakangiti pa bago sumunod sa akin.
"Nasaan ang ate mo?" tanong ko pa nang makapasok na kami, pinaupo ko pa siya sa sofa.
"Ah papunta na po dito."
"Hello, Gab!" masigla namang bati ni Dylan ng makarating kami sa sala.
Masaya namang binati din ni Gab si Dylan at nakipag apir pa ito. Nagpunta ako sa kusina para kunin ang mga ginawa kong gave away na dessert, tulad ng macaroons at brownies na nasa box. Naghanda rin ako ng pagkain para makakain muna ang mga bisita namin.
Naghanda rin kami ni Dylan ng maraming mga 20-50 peso bill para ipamigay sa mga batang namamasko sa labas ng bahay. Maya-maya ay narinig ko ulit na may nag-doorbell kaya lumabas ulit ako, pero bago ako makalabas ay nakita ko pang masayang nagkukwentuhan sina Dylan at Gab sa sala.
"Oh kayo pala mga pare, Jeff, Benny at Rico!" masayang sigaw ko ng makita ko kung sinong nasa gate.
"Merry Christmas, Rylan!" sabay-sabay na bati naman nilang tatlo. Napangiti ako at pinapasok sila sa bahay, nagulat pa nga sila dahil pumayag si Dylan na magpapasok sa loob ng bahay.
"Syempre, pasko naman eh."
"Oo nga kaya extra sa bait si Boss Dylan!" masiglang sigaw pa ni Benny.
"Ang ganda pala talaga ng bahay nyo, Rylan," ani Rico habang palinga-linga sa paligid. Nang makarating kami sa sala ay pinaupo ko din sila doon.
"Salamat, Rylan," ani Jeff.
Tapos binati nilang lahat si Dylan at nakipagkwentuhan na rin dito.
"Mga pre, Gab, Kain muna kayo oh," pag aalok ko sa kanila at masaya naman silang tumugon. Rinig ko pa ang makulit nilang usapan.
"Benny! Ang daya mo talaga, akin yun," reklamo ni Rico sabay batok kay Benny.
"Bakit ka ba nagagalit? Marami pa naman dito," sagot naman ni Benny sabay turo sa plato ng Cordon bleu.
"Basta!" makulit na sabi ni Rico kaya napakamot sa ulo si Benny.
Habang nakain sila ay nag-aayos ako ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree ay...T-Teka! Regalo?
"Dylan, may regalo ba talaga dito sa ilalim ng Christmas tree?" takang tanong ko pa rito, wala naman kasi akong naalalang may mga regalo dito.
"Oo naman Ry ko, sadyang may rega--- Teka? dalawa lang dapat ang regalo dyan ah, bakit dumami?" takang tanong din niya at lumapit sa akin.
"Saan kaya galing yan?" tanong pa ni Dylan habang kinakalog ang mga regalo.
"Teka Dylan, may pangalan oh," sabi ko pa habang pinipigilan ko ang pag kalog niya sa box na kanyang hawak. Tumango naman siya at napatingin kami sa pangalan na nasa ilalim ng box.
"Woah! kay Mom at Dad pala ito galing," masayang sabi ni Dylan at ngumiti sa akin. Napatango naman ako at nagulat dahil may tumapik sa aking balikat.
"Ah Lily? Teka paano ka nakapasok?" gulat na tanong ko pa dito.
"Kuya Rylan, ako po ang nagpapasok sa kanila busy po kasi kayo ni Kuya Dylan," natatawa pang sabi ni Gab.
"Masyado ata kayong busy ng asawa mo ah," nakangisi pang sabi ni Lily.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...