⛄Jingle bells... Jingle bells
Jingle all the way ❄
Humihimig pa ako habang papasok sa kusina, Rinig na rinig ko pa ang malakas na Christmas song na tumutugtog mula sa sala.
Nakangiti ako habang tinitingnan ang kanin na aking niluto, masaya ako dahil perfect ang pagkakaluto ko dito, hindi malambot ,hindi rin naman bigas yung normal na kanin. Isa itong malaking achievement para sakin..
Gusto ko itong sabihin sa Ry ko, siguradong magiging proud sya sakin.
"Ry ko!! tingnan mo it--" mabilis akong lumingon pero imbis na masaya at nakangiting mukha ng mahal ko ang nakita ko ay isa lamang bakante at malamig na lugar dito sa kusina.
Napangiti ako ng pilit, para akong tinakasan ng lakas ng katawan at napaupo na lang sa isang upuan dito sa kusina. Ang masaya, mainit at maliwanag na pakiramdam kanina ay napalitan ng isang madilim at tahimik na pakiramdam na lamang.
Ang magagandang dekorasyon sa buong bahay at malakas at masayang musika ay parang nabalewala dahil nawala ang star ng buhay ko, ang nagsisilbing ilaw at liwanag ng buhay ko.
Ilang araw ko na bang pinipilit na maging masaya o maging normal ulit ang buhay ko mula ng umalis sya..
DEC . 22. ilang araw na lang pasko na, ang araw kung saan ay masaya at sama-sama, pero ako mag isa pa rin.
Habang nakaupo dito sa malamig at malaki kong bahay ay sa unang pagkakataon pagkatapos ng napakaraming taon,
Ngayon lang ulit ako lumuha..
"Ry ko, Mahal kong Asawa, Pls. Umuwi ka na!!"
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...