I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Happy birthday to you!!! happy birthday Gabriel!!" masayang sigaw ng mga bisita sa birthday party ni Gab.
"Maraming salamat sa inyong lahat!!!" masiglang tugon naman ni Gab sa lahat.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko sina Benny, Rico at si Jeff ganun din ang iba pang mga kabataan na lagi kong nakikita pag naglalaro kami ng basketball sa court. Karamihan ng mga dumalo ay bata at mga magulang ng mga ito.
Magarbo ang okasyong ito, ang daming mga lobo, pagkain at marami ding mga palarong nakahanda. May mga clown din na nagpapatawa. Napaka saya ng tagpong ito, dahil sa aking nakikita ay di mawala sa aking kalooban na medyo mainggit, sana kung sa may kayang pamilya ako pinanganak ay makakaranas din ako ng ganito, pero kahit mahirap lang kami at napakaraming bahay na di ko naranasan noong bata pa ako ay hinding hindi ko parin ipagpapalit ang aking pamilya. Mahal na mahal ko sila.
Nakaupo ako sa isang table dito, kasama si Lily at si Nico, wala si aling mimi dahil busy sa mga bisita. Si Brandon naman ay nakikipag usap din sa mga bisita, ang alam ko ay dumalo din kasi dito ang boss nito sa trabaho.
"Miss Lily, salamat sa pag imbita sakin." nakangiting sabi ni Nico
"No problem Nico, kung friend ka ni bespren Cutie, ibigsahin ay welcome na welcome ka dito samin," sagot naman ni Lily dito.
"Oo nga pala Cutie bakit wala si Dylan? Pupunta ba siya?" baling na tanong pa ni Lily sa akin ng mapansing wala dito si Dylan.
Dahil sa tanong niya ay bigla kong naalala ang nangyari kanina kaya hindi ako agad nakasagot.
ʕ ꈍᴥꈍʔ
"Care to explain what happen, MAHAL kong ASAWA?"
"A-Ah Dylan, tama naman ang sinabi ni Brandon yun nga ang tunay na nangyari," tugon ko habang pilit nagpapaliwanag sa kanya.
"Boss ano ba ---"
"Nico pumunta ka muna sa guest room," utos niya kay Nico at bilis naman itong sumunod.
Nang makaalis na si Nico ay matinding kaba at pagkailang ang aking naramdaman. Hindi na muli kasi sya nagsalita. Naglakad siya at umupo sa tapat ng sofa na kinauupuan ko, nanaig ang mahabang katahimikan sa aming pagitan, nakatitig lang siya sa akin na parang may gustong sabihin pero di nya mabigkas.
"Dylan, p-pasensya na kung ano mang pagkakamali ang nagawa ko," hindi ko na kasi matiis ang katahimikang namamayani sa pagitan namin.
"Sige na Dylan, sabihin mo sa akin kung ano ang nagawa ko," pagsusumamo ko sa kanya para matapos na ang di pagkakaintindihang ito.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Ry ko, Hindi ka manlang nagsabi sa akin na aalis ka ng bahay at pagdating mo pa dito ay kasama mo pa ang lalaki yun," bakas ang inis sa boses niya.
"Humihingi ako ng tawad dahil hindi ako nagpaalam na aalis ako ng bahay Dylan, pero ang paghatid sa akin ni Brandon ay di ko inaasahan dahil
nagmamadali ako kanina dahil natanggap ko ang txt mo sa akin kaya wala akong pagpipilian kung hindi sumabay sa kanya," pagpapaliwang ko pa sa kanya."Ibig sabihin ba ay kasalanan ko kaya ka sumama sa lalaking yun?" balik na tanong naman niya.
"Syempre hindi yun ang ibigsabihin ko Dylan at alam mo yan at ano naman pati ang masama kung sumabay ako sa kanya eh kaibigan ko naman siya."
Iyon naman ang totoo kaya ano ba ang ikinagagalit niya kung sumabay man ako sa iba.
"Pero di mo kilala ng lubusan ang lalaking yun, paano kung maulit na naman ang nangyari noon!?" seryosong tugon niya at nagawa pang isigaw ang dulong parte ng salita.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...