Chapter 22

6.3K 301 19
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ




RYLAN POV

MAAGA kaming umalis ni Dylan sa bahay para daw di kami gabihin sa daan sapagkat mahabang byahe ang papunta doon. Malakas na hangin ang humahampas sa aking mukha habang nakatanaw ako sa bintana ng kotseng sinasakyan namin. Napakaganda ng tanawin at mga lugar na aming nadadaanan.

"Ry ko matulog ka muna, mahaba pa ang byahe natin."

"Paano ka naman Dylan?" tanong ko pa pabalik sa kanya, alam kong mapapagod siya sa matagal na pagmamaneho.

"Okay lang ako. Gusto mo din ba akong matulog? Sino magda-drive?" pang aasar pa niya sa akin.

'Hayss ewan ko sayo Dylan,' napapabuntong hininga na saad ko sa aking isipan.

Pagkalipas ng mahabang oras ng pagtulog ay nagising ako dahil sa isang mahinang tapik sa aking pisngi at isang malambot na bagay na lumalapat pa doon.

"Ry ko gising na."

"Dylan, nasaan na tayo?" naghihikab pang ani ko, bago siya harapin ng maayos.

"Nandito pa rin sa kotse."

Sinimangutan ko na lang siya. Gago eh, ayaw ba namang sumagot ng matino.

"Ry ko kain muna tayo ng lunch."

"Sige, eto may baon naman tayong tanghalian," sabi ko at saka inilabas ng paperbag na may lamang mga tupperware. May dala kaming ulam at kanin, syempre di rin mawawala ang graham cake na paborito niya.

Magbaon na daw kami ng pagkain para hindi na kami matagalan kung sakaling mag stop over pa kami. Tama nga naman siya sapagkat hassle pa kung maghahanap kami ng lugar na makakainan.

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang ng kaunti si Dylan dahil magda-drive na naman siya hanggang mamaya. Kung ano-ano lang din naman ang pinag usapan namin habang nagpapatuloy ang pagtakbo ng sasakyan. Napag usapan namin ang tungkol sa aking pamilya at aking pinagkakaabalahan habang nasa probinsya ako. Ikinuwento ko sa kanya ang pamumuhay namin doon, paano ako pumapasok sa school kahit sobrang layo nito sa aming lugar at iba pang bagay.

"Woah, ang layo pala talaga ng nilalakad nuyo para lang makapasok, ang tiyaga mo Ry ko."

"Oo naman, kahit papaano ay gusto kong matuto at makapag aral, ayaw ko naman maging mangmang. Mahirap na nga kami tapos wala pa akong alam, di mas masaklap iyon di ba? Kaya kahit wala akong baong pera ay okay lang basta makapasok ako."

Napapatango lang siya habang nakikinig sa akin, ramdam ko na sumusulyap din siya sa akin paminsan-minsan.

"Kaya hanga talaga ako sayo Ry ko, saludo ako sa tapang at sipag mo, kahit alam mong napaka delikado ng maynila ay nagbaka sakali ka pa rin para sa pamilya mo."

"Lahat gagawin ko para sa kanila Dylan, pero alam mo Dylan, kahit anong hirap ang pinagdaanan ko nang una akong makarating sa maynila ay balewala sapagkat alam kong pinagpala pa rin ako ng dyos dahil nakilala kita."

Napangisi naman siya dahil sa narinig, at ngumiti ng marahan bago ako lingunin. "Ry ko, kung sa tingin mo ay ikaw lang ang sinuwerte ng makilala ako ay nagkamali ka dahil swerte din ako."

"Hm, bakit naman?"

"Mamaya ko na lang sasabihin. Sige na magkwento ka pa ng tungkol sayo at sa pamilya mo," natatawang sambit pa niya napatango na lamang ako.

Nagpatuloy ang aming kwentuhan habang nasa byahe, maya-maya pa nga ay naramdaman ang kakaibang paglamig ng hangin na nanggagaling sa bukas na bintana sa aking tabi.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon