I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
NAPALINGON naman kaming dalawa sa lalaking nagsalita. Matangkad din ito, may itim na buhok at maputi ang kulay ng balat, matangos ang ilong, may makapal at maganda ang kilay at mapupulang labi.
Nagulat ako ng bigla nitong tinanggal ang kamay ni Dylan na nakahawak sa braso ko, hinigit ako nito sa tabi niya at sinanggahan ako na parang pinoprotektahan.
Dahil sa bilis ng pangyayari ay di agad rumehistro sa utak ko ang nangyari, si Dylan ay ganun din, hindi agad siya nakagalaw at halatang nagulat din.
"Okay ka lang? Pinipilit ka ba ng lalaking yan?" sabi pa sakin ng lalaking bagong dating.
"O-Okay lang ako, pero hindi, ano..." di ako makasagot ng deretso dahil naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
"Tinatakot ka ba niya?Okay lang yan, ako bahala sayo," nakangiti pa nitong sabi sabay hila sa akin palayo.
Gusto kong sabihin sa kanya na wala kaming problema ni Dylan, at hindi ako sasama sa kanya. Hindi ko nga skya kilala. Pilit kong nililingon si Dylan pero nagulat ako nang makitang wala na siya sa kanyang kinatatayuan kanina.
'Saan kaya na siya nagpunta? Nainis kaya siya sa nagyari?'
"Ako nga pala si Mile, wag kang mag alala, ligtas ka na sa pang haharass ng lalaking yun," nakangiti at proud na sabi pa nito. Napangiwi naman ako sa kanya habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa aking braso.
Nang humarap na ulit ako kay Mike para sabihin na bitawan na niya ako ay bigla namang may humigit sa kabila kong braso.
"Ah!"
Paglingon ko ay blanko at seryosong mukha ni Dylan ang una kong nakita, bago mapansin ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
"May problema ba pre?" inis na tanong ni Mike kay Dylan.
Nang makita ko ang pagkunot ng kilay niya ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na di mapangiwi. Alam kong galit na talaga siya.
"LET. HIM. GO," seryosong saad ni Dylan gamit ang kalmado nitong boses, pero pansin ko rin na nagpipigil lamang siya ng galit.
"Ha? Pasensya na pre, pero di ko siya ibibigay sayo," mayabang na tanong pa ni Mike. "---sino ka ba?" dugtong pa nito at mabilis na tiningnan si Dylan mula ulo hanggang paa.
"Hmm, you interfere even though you don't know the real situation. You must be kidding me," ani Dylan habang napapangisi pa.
Mukhang nainsulto naman si Mike at mabilis na sumagot. "Iniligtas ko siya mula sa panghaharass mo--"
"I will never hurt him and do something against his will, kaya bitawan mo na ang asawa before I charge you for kidnapping," madiin at matigas na magkakasabi ni Dylan dito sabay hila sa akin, kaya napasalampak ako sa kanyang dibdib.
Mabilis pa niya akong niyakap at tiningnan ng masama si Mike.
"Come on, mahal kong asawa," ani Dylan sabay akay habang nakahawak sa bewang ko.
"Ah sorry sa--"
"Mike! Kanina pa kitang hinahanap, saan ka ba nagpunta," napatingin ako sa lalaking dumating. Ang porma nito ay parang sa isang badboy ganun, gwapo din pero maraming mga hikaw at piercing.
"Wala naman," ani Mike sabay anyaya sa kaibigan, tiningnan naman kami nito bago sumunod sa kasama.
Napabuntong hininga naman ako, parang di pa rin ako makapaniwala sa nangyari, ang bilis kasi. Masyado atang maaksyon ang birthday ko.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...