Chapter 9

9.4K 439 8
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

RYLAN'S POV

NAGLALAMBING lang siya kanina, ngayon ay walang pasabi na niya akong inaamoy. 'Jusko, may lahi bang aso itong amo ko?'

"Ry ko, ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," bulong pa niya at mas lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko. 'Ano ako efficascent oil?'

Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit niyang hininga sa aking leeg at ang mahina niyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng kanyang katawan.

"Dylan, mabuti at magaling ka na," naiilang na saad kong tugon.

Sinamahan ko rin iyon ng pilit na tawa habang itinutulak siya palayo. Ngunit ayaw ata niya sa ideyang iyon.

"Gusto mo bang makuha ang premyo mo?" ani ko upang makinig siya sa akin.

"Sige, nasaan na ba?"

Mukhang effective naman sapagkat mabilis siyang umagwat sa akin at ngumiti pa. "Ah, doon ka muna sa living room tapos tatawagin kita kapag okay na."

"Talaga!? Sige ba,"masigla pa niyang tugon.

Napangiti naman ako sapagkat magaling na siya, nanumbalik ka rin kasi ang kanyang energy at kakulitan.

HABANG ako'y nasa kusina at abala sa pag iisip kung anong iluluto ko para sa kanya. Mukha kasing paborito niya ang mga dessert na aking ginagawa kaya iyon na lamang din ang naisipan kong ihayin sa kanya.

Ang problema nga lamang ay ang matindi niyang kakulitan. Pasilip-silip lagi siya sa may pintuan ng kusina na tila ba ay hindi ko siya napapansin.

"Dylan! Hindi ba sabi ko tatawagin naman kita mamaya kapag tapos na?" napapakamot sa ulong giit ko pa sa kanya.

"Oo, Ry ko. Sorry na!" hiyaw pa niya paalis.

Patapos na ako sa pagluluto nitong premyo ko sa kanya, sana naman ay magustuhan niya ito. Pinuntahan ko na siya sa living room para sunduin.

"Pikit ka muna Dylan, tapos aalalayan kita papunta sa kusina."

"Bakit pa?" reklamo pa niya bago tumayo mula sa sofa.

"Syempre surprise nga 'di ba?"

"Sige papayag ako kung ikaw ang magtatakip sa mata ko gamit ang kamay mo."

Binigyan ko naman siya ng inip na tingin. Alam kong nang aasar na naman siya.

"Ah, gano'n ba?"

"Oo," confident pa niyang turan habang nakapaskil pa rin ang mapang asar niyang ngisi sa kanyang labi.

"Ah, s'ya wag na lang. Wala ka nang premyo," inis ko pang saad.

"Wait! Ry ko! Joke lang! Joke lang naman, sabi ko nga pipikit na ako," nagmamadali pa niyang turan sabay hawak sa aking kamay.

NGAYON, ay nadala ko na rin siya dito sa kusina makalipas ang mahabang panahon. Ang hirap kasi niyang alalayan sapagkat napaka likot niya.

"Ry, pwede ko na bang buksan ang mga mata ko?" excited na tanong pa niya.

"Teka," saad ko naman at mabilis na inayos ang pagkain na nasa kanyang harapan.

"Oo Dylan, pwede na," kinakabahan 'kong turan.

'Sana ay magustuhan niya ang inihanda ko.'

Kinabahan naman ako sapagkat tahimik lamang siyang nakatitig sa mataas, jiggly at puno ng topping na japanese style pancake na mango graham flavor. Nalumbay ako at bagsak ang balikat dahil sa naging reaksyon niya. 'Ibigsabihin ay hindi niya nagustuhan.'

"Ah, Dylan igagawa na lang kita ng iba--" Hahawakan ko na sana ang platong nasa kanyang harapan nang pigilan niya ako.

"Para sa'kin talaga 'to, Ry ko?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Oo naman, nagustuhan mo ba?"

"Woah!" mangha pa niyang bulong kaya medyo nabuhayan ang aking kalooban.

"Ang ganda naman nito, Ry ko parang nakakapanghinayang kainin. Sa mga top class pastry shop at cafe lang ako nakakakita nito."

"Ibigsabihin, nagustuhan mo?"

"Syempre naman, bakit hindi ko ito magugustuhan e' pinaghirapan mo itong gawin."

"Talaga?" Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa kanyang sinabi.

"Of course, hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, mula pag aalaga hindi lang nitong may sakit ako kun'di araw-araw," madamdamin pa niyang ani habang hawak ang aking kamay.

"Iginawa lang kita ng pancake nakahugot ka agad, ikaw talaga baka gutom lang 'yan. Sige na, tikman mo na," natatawang tugon ko naman.

Napakamot naman siya sa batok sinyales ng kanyang nararamdamang hiya. "Sige na nga, gusto ko pa sanang ipa-frame ito."

Napasilay naman ako nang may pagtataka sa kanya kung tama ba ang narinig ko, pero sa huli ipinagsawalang bahala ko na lamang din.

Sa halip ay pinagmasdan ko ang magiging reaksyon niya sa pancake na aking pinaghirapang gawin, pero nagulat ako nang iharap niya sa'kin ang tinidor na may pancake.

"Ikaw ang gumawa nito kaya dapat ikaw ang unang tumikim."

"Pero, ginawa ko 'yan para sa'yo,"

"Sige na Ry, tikman mo na," pagpupumilit pa niya.

Nawala naman akong nagawa at hinayaan siyang subuan ako, at nang malasahan ko iyon. Tunay ngang masarap. Nakuha ko lamang ang recipe ng pancake na iyon sa social media tapos ako na ang naglagay ng twist.

Nang masiguro kong okay naman ang lasa, siya naman ang pinakain ko. Salamat at nagustuhan rin niya iyon. Maluha-luha pa siya habang nilalasap ang premyo galing sa akin.

Habang masaya naming pinagsasaluhan ang pancake ay bigla naman siyang naglabas ng cellphone mula sa kanyang bulsa.

"Iyan harap ka, Ry ko. Selfie tayo kasama ang premyo ko," ngiting-ngiti naman niyang turan bago kumuha ng litrato.

Bago kami matapos kumain ay marami kaming naging litrato at alaala ni Dylan, at ang lahat ng iyon ay itinuturing kong kayamanan.  Nagtatawanan din kami habang kumakain at nagkukwentuhan din. Isa na siguro ito sa pinakamasayang tagpo ng aking buhay.

Kwento pa niya sa akin, pinilit daw talaga niyang magpagaling agad sapagkat excited siya sa aking premyo.

"Alam mo Ry ko, natuwa talaga ako sa premyo mo kaso may kulang."

Habang tinitingnan namin ang mga picture kanina ay mabilis akong napalingon dahil sa kanyang sinabi.

"Ano naman ang kulang?"

Ginawa ko naman ang best ko, pero may kulang pa rin? Parang gusto kong mag-slide sa pader.

"Ito."

"Para saan 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakahawak sa pisngi 'kong hinalikan niya.

"Premyo mo," kalmado niyang saad na para bang walang nangyari.

Habang ako naman ay kakapusin na sa paghinga dahil sa lakas nang kabog ng puso ko ngayon.

Matapos siyang hampasin ng ulan mula sa sofa ay nagtatakbo na ako pabalik sa aking kwarto habang sumisigaw sa aking isipan...


















'Hindi ko na kaya 'to, kailangan ko nang maka usap si nanay.'

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon