I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON POV
"Bye, Ry ko please mag iingat ka."
Paalam ni Dylan sabay halik at yakap kay Rylan.Nandito sila ngayon sa terminal ng Bus papuntang Bulacan.
▼△▼△▼△▼△
FLASHBACK
DEC. 20
NAGISING si Rylan na mabigat ang pakiramdam at kalooban, ngayon kasi ay magpapaalam siya kay Dylan na uuwi siya sa probinsya para makasama ang kanyang pamilya ngayong pasko.
Katulad ng araw-araw nyang ginagawa ay nagtungo siya sa kusina para magluto at pagkatapos naman ay pupuntahan niya si Dylan sa kwarto nito para gisingin at ihanda ang susuotin, sa buong oras na iyon ay di niya mapigilang di mapakali.
Di niya alam kung paano sasabihin kay Dylan ang lahat, ang hindidi naman niya alam ay naghihintay lang naman si Dylan na kausapin niya ito tungkol sa bagay na gumugulo sa kanya.
Habang kumakain sila ay ramdam niyang panaka-nakang sumusulyap ng tingin si Dylan sa kanya, siguro ay napapansin na nito ang kakaiba niyang kinikilos.
"Ry ko, kung may sasabihin ka ay okay lang, makikinig ako," nakangiti pang saad nito nang hindi na nito napigilan ang sarili na mag salita.
"D-Dylan, alam mo di ba na malapit na ang pasko kaya naman, a-ano kasi--- ahm," nakayuko aniya, nahihirapan kasi siyang sabihin ng deretso ang lahat.
"Gusto mong umuwi sa inyo, tama?" anito, kaya naman mabilis na napatingin siya dito.
Tumango siya ng bahagya para ipahayag na tama ang sinabi ni Dylan.
"Oh bakit malungkot ka, gusto mo pa lang umuwi sa pamilya mo," dugtong pa nito, habang naroon pa rin ang masiglang ngiti sa labi nito.
"P-Paano ka Dylan? Wala kang kas--"
"Ry ko, ayos lang ako dito, wag mo akong alalahin," natatawa pang nito, pero sa loob-loob nito ay ayaw nitong paalisin si Rylan ngunit hindi rin nito pwedeng ipagdamot siya mula sarili pamilya.
"Gusto mo bang umuwi na ngayon? Abot ka pa sa byahe papunta sa Bulacan," alok pa ni Dylan muli sa kanya.
"P-Pero Dylan h---"
"Sige na Ry ko, magbihis ka na, ihahatid kita sa terminal."
Wala nang nagawa si Rylan dahil sa utos ni Dylan sa kanya, nagtungo na lang siya sa kanyang kwarto para magbihis at i-ayos lahat ng kailangan nyang dalhin.
Pagkatapos niyang ayusin lahat ay nagtungo na siya sa garahe dahil nandun na si Dylan at hinihintay siya. Nang mailagay na nila lahat ng mga gamit ni Rylan sa trunk ng sasakyan ay nagbyahe na sila sa station ng Bus.
▼△▼△▼△▼△
PRESENT TIME
"Bye Dylan," sigaw pa ni Rylan habang kumakaway sa bintana ng Bus.
Malungkot si Rylan at nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata, habang nakikita ang paalis na kotse na sinasakyan ni Dylan. Ayaw sana nyang iwan si Dylan, pero mas mahalaga ang kanyang pamilya.
KAHIT malungkot naman si Dylan dahil ayaw nyang malayo kay Rylan ay nagtungo pa rin siya sa trabaho dahil may mahalaga siyang project na di pwede palampasin, kung gugustuhin naman ay pwede niya itong tanggihan at sumama kay Rylan sa probinsya nito, pero siguradong kung sasama siya doon, ay siya pa rin ang iintindihin ni Rylan sa lahat ng oras sa halip na pamilya nito.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...