I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Ry ko Good morning!!!" ani Dylan habang nag-iinat pa.
"Good morning din, sige maligo ka na at kakain ka pa," tugon ko naman habang inihahanda ang damit niya.
"Ok po Ry ko," masayang sagot niya, at nagawa pang yumakap sa akin mula sa likod, bago pumasok sa banyo.
"Nandito sa kama mo ang damit mo," sigaw ko kay Dylan na nasa loob na ng banyo at naliligo.
"Salamat Ry," huling narinig ko bago lumabas ng kwarto nya.
▼△▼△▼△▼△
"Ry gusto ko ng cucumber shake para sa baon ko pwede ?" ani Dylan habang nakain ng agahan.
"Oo naman," sagot ko. Tatayo na dapat ako para gumawa kaso pinigilan niya ako.
"Mamaya na Ry pagkatapos mo nang kumain."
"Sige, gusto mo ba ng milo graham para sa baon mo?" tanong ko naman sa kanya.
"Sige ba! Ry ko salamat," magiliw na aniya, habang kumikinang pa ang mga mata dahil sa saya.
"Gusto mo ba ang mga niluluto kong ulam para sa baon mo Dylan?"
"Syempre naman Ry ko, inaagawan pa nga ako ng secretary ko," inis pa niyang sabi.
Napakunot naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya, ibig sabihin ay sabay pa rin sila nakain at nagbibigayan pa ng ulam.
Bigla ko naman nahawakan ng mahigpit ang hawak kong kutsara dahil sa inis na aking nararamdaman."May problema ba Ry ko?" inosente niyang tanong sa kin.
"Wala naman Dylan, bilisan mo na ang pagkain mo baka malate ka pa," tugon ko na lang, habang binibigyan siya ng isang pekeng ngiti, upang maitago ang tunay kong nararamdaman.
Tumango naman siya at nagmadali ng ubusin ang laman ng plato nya.
"Dylan, eto baon mo oh," Inabot ko ang baon niya mula sa bintana ng sasakyan.
"Salamat Ry ko, aalis na ako mag-iingat ka lagi dito," pagpapa-alala pa niya.
"Oo naman, ikaw din mag-iingat ka, kainin mo ang baon mo."
Sinagot lang nya ako ng isang saludo na parang sa isang sundalo. Pagkatapos kong buksan ang gate ng garahe ay lumabas na ang kotse ni Dylan, kumindat pa ito bago tuluyang umalis.
▼△▼△▼△▼△
HABANG nagdidilig ng mga halaman at bulaklak dito sa harap ng bahay ay hindi ko maiwasang matulala, nakatitig lang ako sa isang dilaw na bulaklak dito, siguro kung may laser lang ang mga mata ko katulad ng kay superman ay baka kanina pang naging abo ang bulaklak na ito.
Alam kong wala na talaga sa wisyo ang mga iniisip ko pati ginagawa dahil pati isang bulaklak na walang kaalam-alam ay aking kinakausap na rin.
"Miss flower, alam mo ba na mahal mahal ko ang may ari ng bahay na ito," sabay turo sa bahay sa likod ko.
"Alam ko din sa sarili ko na kahit kailan ay hindi lalampas sa pagiging magkaibigan ang aming relasyon dahil sigurado akong ang tingin nya lang sakin ay isang kaibigan at kasambahay syempre napapansin ko din naman ang mga ginagawa nya para saakin pero alam kong dahil lamang iyon sa kanyang kabaitan, normal nya iyong ugali."
Hindi ko maitatanggi na kapag naglalambing sya sakin ay hindi ko maiwasang mahulog lalo sa kanya." Buntong hininga ko pa.
"Ayokong dumating sa puntong malalaman pa nya itong nararamdaman ko, pano kung mandiri sya sakin at paalisin nya na ako dito?" malungkot kong bulong.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...