Chapter 8

10K 457 36
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

RYLAN'S POV

"Ry, luto na ba 'yan?"

Napalingon ako sapagkat may biglang nagsalita mula sa aking likuran. Akala ko multo na, si Dylan lang pala. Ang makulit at mapang-asar 'kong amo.

"Hindi pa e', nakulo pa lang," saad ko naman sabay halo sa tinolang nasa kaserola.

"Ako ang titikim."

Hindi na rin ako nakagalaw nang hawakan niya ang kamay 'kong may hawak ding sandok bago sumalok ng kaunting sabaw at tikman iyon.

Napakabilis ng mga pangyayari, ni paghinga ay hindi ko na nagawa sapagkat sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin at ramdam ko rin ang katawan niyang nakalapat sa aking likuran. Bigla akong kinilabutan, pero pinigilan ko ang aking sarili na mag-react.

"Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para maging perpekto ang lasa nito? Ang sarap kasi," komento pa niya matapos lumayo sa akin ng kaunti.

Medyo nakahinga naman ako nang maluwag, ngayon ko rin napansin na nagpipigil pala ako ng hininga. 'Hays, ikaw talaga Dylan ang papatay sa akin.'

Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dulot pa rin ng 'di maipaliwanag na kaba.

"Okay ka lang ba Ry? Napagod ka ba nang sobra kanina? Magpahinga ka muna ako na ang magbabantay n'yan," sunod-sunod pa niyang ani habang mababakas sa kanyang boses ang pag aalala.

Napabuntong hininga ako habang nakasilay sa kanya. Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya sapagkat napaka-maalahanin niya. Siguro nga talagang magaling siyang mang-asar, pero sa tingin ko ay paraan niya lamang iyon upang hindi kami maging awkward sa isa't isa.

"Hindi, Dylan. Okay lang ako. Sige na manuod ka na lang ng TV, tatawagin kita pagluto na," pagtataboy ko pa sa kanya na may kasamang ngiti upang makumbinsi siya.

"Sigurado ka?"

Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido kaya nagawa ko pang tumango nang ilang ulit bago siya itaboy palabas ng kusina.Hindi nagtagal at magkasama na muli kami, sapagkat pagsasaluhan na namin ang hapunan.

"Ry akin na ang plato mo."

Napataas naman ang kilay ko sapagkat hayan na naman siya, ngunit wala rin naman akong nagawa at ibinigay na lamang ang plato ko sa kanya. Nang ibalik niya sa akin iyon, katulad ng inaasahan ko puno at umaaway na naman iyon ng pagkain.

Kakain na sana ako nang inguso naman niya ang kanyang plato. Gusto pala niya ay magpapalitan pa kami ng trabaho. Siya maglalagay ng pagkain ko at ako naman ang maglalagay sa kanya. 'Dami talaga niyang alam.'

Natapos din kami kumain makalipas ng matagal na panahon dahil sa kakulitan ni Dylan. Ayaw niyang sumuko, lagay lang siya nang lagay ng kanin sa aking plato, ako naman ay pilit iniiwas ang plato ko sapagkat aawas na sa dami ang laman no'n.

NANG sumapit ang gabi at matapos ko na ang lahat ng aking gawain ay nagpaalam na ako sa kanya upang makapagpahinga na ako. Sumang ayon naman siya kaya bumalik na ako sa aking silid.

Ngayon, tila ba ay nais ko namang tawagan si nanay upang ipaalam ang aking pinagdadaanan at nararamdaman. Medyo kinakabahan ako sapagkat ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at para pa sa lalaki 'kong amo.

Hindi ko ipagkakaila na medyo may ideya ako kung ano ito, katulad ito ng nadama ko noong magka-crush ako sa muse namin sa classroom, mabait, matalino at palakaibigan kasi siya kaya nagustuhan ko siya, pero imposible naman na magka-crush ako kay Dylan kasi unang-una na ay lalaki siya.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon