I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"May kinausap lang ako sa cellphone kaya ako natagalan," pagkaklaro pa ni Dylan, habang nakatingin pa rin ng masama kay Nico.
"Ganun ba, gusto mo na bang kumain ng hapunan? maghahain na ako?"
"Mamaya-maya na Ry ko, pwedeng pahingi din ako ng brownies?" nagpapa-cute pang request nito sa akin.
"Oo naman," sagot ko na lang, kanina lang ay parang mangangain siya ng tao ngayon naman ay balik siya sa pagiging maamong tupa.
Habang nakatalikod ako sa kanila ay medyo naririnig ko pa rin ang kanilang usapan.
"Uyy ikaw Nico, anong mga sinasabi mo sa Ry ko ha?" pabulong pa ni Dylan na akala mo naman ay hindi ko naririnig.
"Wala naman boss," natatawang tugon pa ni Nico na lalong ikina-simangot ni Dylan.
"Dine-deskartehan mo ata ang Ry ko eh," inis na bintang pa nito sa kaibigan.
"Ano naman sayo boss, eh kasambahay mo lang naman siya di ba?"
Napailing ako sapagkat di ko man sila nakikita ay positibo ang aking pakiramdam na umuusok na ngayon sa galit si Dylan, dahil sa pang aasar ni Nico.
At nang lumingon nga ako ay nakita ko pa ang lalong paglawak ng ngisi ni Nico nang makita ang inis nq reaksyon ni Dylan.
Ang matalas na tingin ni Dylan ay parang matalas na kutsilyong kayang humiwa pati ng kaluluwa, napalilibutan na naman siya ng maiitim na aura na may kasama pang kulog at kidlat sa background. 'Super animated naman ang galit niya.'
"Tss basta, hindi nagpapaligaw ang Ry ko tapos period," parang bata pa niyang sabi kay Nico.
Bago pa mapunta ang usapan nila sa kung saan-saan na hindi ko naman naiintindihan ay minabuti ko na lang na lapitan sila.
"Dylan oh," ani ko sabay lapag ng pagkain na naging dahilan ng pagtigil ng usapan nila.
"Salamat Ry ko," nakangiti pa niyang sagot.
"Pwede pa ba akong humingi ng ice cream Rylan," sabi ni Nico na pangiti-ngiti pa dahilan para mapalingon sa kanya si Dylan
"Oo naman," sabi ko sabay kuha ng plato niya.
"Uyy pangiti-ngiti ka naman sa Ry ko ha, di ba sabi ko sayo kanina pa ay wag mo syang matingnan-tingnan."
Yan na naman si Dylan sa kulitan niya.
"Boss naman, paano ako kakain kung pikit ako."
"Mata ang ipipikit mo, hindi bibig maka-kakain ka pa rin, hindi naman mata ang ginagamit pang kain ah " sarkastiko pang saad ni Dylan.
Gusto kong mapatawa dahil sa kulit ng usapan nila.
▼△▼△▼△▼△
"Ry ko, halika na, kain na tayo," pag aanyaya ni Dylan sakin habang nakain na sila ni Nico ng hapunan.
"Dylan nakakain na ako kanina bago pa kayo dumating kaya sige na wag mo na akong alalahanin pa," sagot ko naman sa kanya.
"Hindi naman pwedeng hindi kita aalalahanin halika susubuan na lang kita."
Pangiti-ngiti lang naman si Nico sa tabi nya. Wala na akong nagawa kong hindi sundin na lang ang sinasabi nya, alam kong hindi nya ako titigilan e, kaya maya't maya nya akong pinapalapit sa mesa para subuan ng pagkain, si Nico naman dahil makulit ay nakikisali din kaya naiinis si Dylan sa kanya.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...