I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Ry ko, please mag usap naman tayo oh," ani Dylan mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto.
Kanina pa yang si Dylan sa pangungulit, ilang beses ko ng sinabing ayaw ko siyang makausap at wala na rin naman kaming pag uusapan pa, ayaw talagang tumigil.
Ilang beses siyang pabalik-balik dito sa kwarto ko, lagi syang kumakatok at nangungulit. Kapag di ko siya kinakausap, umaalis na siya tapos mamaya nandyan na naman.
Pagkalipas ng ilang minuto mula nang marinig kong umalis na siya ay inaasahan kong hindi na siya babalik dahil mapapagod na siya sa kakatawag sa labas ng pinto.
Napabuga na lang ako ng hangin ng marinig na naman ang pagkatok sa aking pintuan.
"Ry ko, nagluto ako, halika ka kumain ka muna, wag kang magpalipas ng gutom."
Napataas naman ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. Paano siya nakapagluto eh hindi naman siya marunong?
Dahil masama parin ang loob ko dahil sa sakit na naramdaman ko ng mga nakilipas na araw at hindi iyon madaling makalimutan kaya nagpasya na lang akong humiga. Dahil sa pagod ay di ko inaasahan na makakatulog ako.
NANG magising ako ay mabilis akong napatingin sa aking tabi para tingnan ang oras.
"Hayss, napasobra ang tulog ko, 6:30 pm na," sabi ko pa habang nag iinat.
Nakalam na rin ang aking tiyan dahil sa gutom, ngayon lang nagsisimula kong nararamdamanang lahat ng gutom at pagod dahil sa mga pangyayari nang mga nakaraang araw.
Napabuntong hininga na lang ako, siguro naman ay nasa opisina o kwarto niya si Dylan. Makakapagluto ako ng tahimik sa kusina. Nagpasya na akong lumabas ng kwarto, pero ng mabuksan ko na ang pinto ay nagulat ako sa aking nakita.
Sa gilid ng pinto ay nakaupo si Dylan at nakayuko, hindi siya gumagalaw kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan. Lumuhod ako sa tabi niya at napansin na nakatulog na pala siya sa pagkaka-upo sa sahig, hindi ko alam kung gaano katagal siyang naghintay dahil nakatulog na siya dito.
Napabuntong hininga naman ako habang pinagmamasdan siya. Baliw na ata talaga ako sa kanya, kahit anong sakit pa ang pag daanan ko, makasama lang siya ay handa kong tiisin lahat.
Habang nakatitig ako sa maamo niyang mukha habang mahimbing na natutulog ay napadako ang aking tingin sa kanyang kamay, lumambot ang tingin na pinupukol ko sa kanya ng makita ang maraming band aid na nakatapal sa kanyang mga daliri at kamay. Hindi ko mapigilang mapa-awa sa kanya, siguradong pinag hirapan talaga niya ang pagluluto kanina.
Kahit naman siguro medyo masama pa ang loob ko sa kanya ay hindi ko siya kayang tiisin ng sobra. Miss na miss ko na siya, gusto kong padaanin ang aking mga darili sa kanyang malambot at mabangong buhok, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, pero alam kong hindi pwede.
Ngayong kalmado na ako at nakakapag isip na ng matino ay gusto ko ng pakinggan ang kanyang paliwanag. Bukod pa doon ay marami akong katanungan sa aking isipan. Katulad na lang ng; Bakit bumalik na ulit siya sa normal niyang ugali? Nasan na ang pamilya niya? At ano ba talaga ang tunay na nangyayari?
Masasagot ko lang lahat ng iyon kung sisimulan ko na ngayong kausapin siya, kaya naman tinapik ko ang kanyang balikat para magising siya.
"Hmm," himig niya, habang kinukusot pa ang mga mata.
"Bakit ka natutulog dito, may kwarto ka naman di ba?" mataray na sabi ko pa sa kanya, syempre naman di tayo agad bibigay, tarayan din natin siya ng kaunti.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...