Chapter 53

4.1K 212 6
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ



RYLAN POV

Dec. 8 ako nagsimula sa aking munting online shop at isang linggo na rin ang nakalipas.

Ang totoo nyan ay di pa rin ako makapaniwala dahil mukhang pumatok ang mga dessert ko, dahil siguro papalapit na ang kapaskuhan.

Ang una kong buyer ay si Lily, umorder siya sa akin ng tatlong black forest graham at brownies tapos nag-post siya sa page ko ng maganda niyang review tungkol sa aking products.

Tapos, nagsunod-sunod na sila. si Mitch, Cris at pati sina Jeff, Benny at Rico. Sobrang supportive talaga ng mga kaibigan ko pati yung mga kapit bahay namin dito sa subdivision ay umoorder na din. Gusto din daw nilang subukan.

Lahat sila ay nag post din sa page ko kung gaano nila nagustuhan ang mga dessert ko, kaya naman may mga ibang tao na rin na nagsisimulang umorder.

Kahit sobrang busy ay napakasaya ko pa rin ngayon dahil pakiramdam ko ay nagkakatotoo na ang aking pangarap.
Kumikita na ako ng sarili kong pera, maliban pa sa pagtatrabaho ko kay Dylan.

Pero kahit may ganito na akong negosyo ay di ko naman na kalimutan ang trabaho ko sa bahay. Nagbibigay lang ako ng oras kung kailan ako magdedeliver ng order nila para sabay-sabay na sila sa iisang lugar.

Pagkatapos ko sa lahat ng aking mga gawain sa bahay ay saka ako nagpupunta sa pinaka malapit na mall para makipagtagpo sa mga buyer ko, dala-dala ko ang malaking shopping bag na may laman na mga paninda ko, kahit mabigat at mahirap isakay sa jeep ang mga dala ko ay okay lang sa akin. Naniniwala kasi akon kung gusto mo talagang maging matagumpay ay kailangan mong mag tiyaga at mag tiis.

Mula naman ng magsimula ako sa negosyo kong ito ay todo ang suporta sa akin ni Dylan. Minsan pag maaga pa ay inihahatid niya sa ako sa mall para di ko na bitbitin ang mga mabibigat kong dala. Pagkatapos nun ay saka siya papasok sa kanyang trabaho. Napaka bait talaga ni Dylan.

"Cutiee, ang ganda pala talaga at ang laki ng loob ng bahay niyo ng asawa mo," napapatango pang sabi ni Lily habang inililibot ang paningin sa loob ng bahay.

Tama yan, pinayagan ako ni Dylan na papasukin si Lily sa bahay dahil gusto daw ako nitong tulungan ako sa pag gawa ng mga paninda ko, dahil palapit na talaga ang kapaskuhan ay madami na ang umoorder kaya talagang kailangan ko ng katulong sa pag gagawa ng mga ito. Buti na lang at laging nandyan si Lily para sakluluhan ako, bukod pa doon ay sinabihan din niya ang mga katrabaho niya sa call center na umorder din sa akin kaya naman gumagawa na kami ngayon para ideliver sa building nila bukas.

"Buti pumayag ang asawa mo ano? kung hindi ay talagang pagod ka sa paggagawa ng lahat ng order," sabi pa ni Lily ng makarating kami sa kusina.

"Tama ka, kaya nga tigilan mo na yang pagtawag kay Dylan na asawa ko, di naman yan tunay," sabi ko pa sa kanya, kulit din kasi niya, kamag anak din ata ni Dylan ito eh.

"Yieee, parang ayaw mo naman haha."

Napailing na lang ako habang inihahanda lahat ng sangkap, hapon na ngayon at sa bilis ng oras ay siguradong nandito na rin mamaya si Dylan kaya kailangan naming bilisan ang pag gagawa.

"Oo nga pala, bakit di ko napapansin si Brandon? Pumupunta pa ba siya dyan sa inyo?" Pagbubukas ko pa ng bagong usapan para maiba ang pinag uusapan namin kanina.

"Ah may pinuntahang business trip si Brandon sa taiwan kaya di sya nabisita nitong mga nakaraang araw," natatawang sabi pa ni Lily, pero nakikita kong malungkot siya, siguradong miss na rin niya si Brandon.

"Kailan daw ang balik niya?"

"Di ko sure eh, ang alam ko ay 2 weeks siya dun," aniya, habang nagdudurog ng graham crackers.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon