I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
ILANG araw na rin ang nakaraan nang pag usapan namin ni Dylan ang tungkol sa aming bakasyon, halatang sobrang excited niya tungkol doon sapagkat hindi siya nauubusan ng mga plano, gagawin at pupuntahan namin pag nasa baguio na daw kami. Nakakatuwa siyang panuodin habang hindi siya magkaintindihan at mapakali sa uunahing mga plano at kwento sa akin.
Kung siya ay excited, ano pa kaya ang nararamdaman ko? Sobrang saya na may halong kaba dahil baka mainip lang si Dylan kung ako ang kasama niya. Natatakot ako na baka ma-disappoint siya at ma-bored lamang.
Katulad nang napag-usapan namin noon tungkol sa pag-alis niya sa Rule no.2 kung saan ay pwede na akong lumabas kahit di ko day-off ay talaga namang nakakapanibago. Pag gusto ko kasing lumabas ay nakakaramdam ako ng kaba dahil nakasanayan ko na bawal lumabas sa di itinakdang araw para sa akin pero habang dumadaan naman ang mga araw ay nakakasanayan ko na rin, masaya si Dylan dahil maraming bagay na akong naikukwento sa kanya kapag lumalabas ako ng bahay katulad ng nakakapunta na ako sa park ng subdivision, nakikita ko ang magagandang bulalaklak na tanim doon at higit sa lahat ay marami na akong mga nagiging kaibigan na kapitbahay namin.
Karamihan sa kanila ay nagugulat dahil di nila ako masyadong nakikita sa loob ng subdivision noon, pero kahit ganun ay mainit na tinanggap pa rin nila ako.
Nakakapaglaro na rin ako basketball kahit hindi Linggo. Ngayon nga ay nandito ako sa court kalaro ko sina Gab at ibang bata dito. Nagulat pa nga sila ng sinabi ko na pwede akong makipaglaro sa kanila ngayon, huwebes pa lang kasi at di pa Linggo katulad ng nakasanayan nila noon.
"Kuya buti na lang talaga at pinapayagan kana ni kuya Dylan na makipaglaro sa amin," masaya pa nitong hiyaw nang makita nilang parating ako sa court dito sa subdivision.
"Oo nga, di ko din alam ang dahilan, pero mabuti na lang at lagi na tayo makakapag laro," masayang tugon ko din naman sa kanya.
"Tama po kuya at pwede ko na din kayong isama sa aming bahay, lagi ko po kasi kayong ikinukwento sa ate at mommy ko," sabi pa ni Gab.
"Haha sige," sabi ko na lang ayaw ko naman na malungkot siya kapag sumalungat ako.
2:30 pm pa lang ng hapon buti na lang at makulimlim ang panahon at di kainitan kaya masayang maglaro dito sa court, maaga pa din bago umuwi si Dylan kaya makakalaro pa ako ng mahaba-haba.
Pagkatapos kong ipasa ang bola kay Brent, isa sa mga kaibigan ni Gab ay biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako sa dereksyon na pinanggalingan ng boses.
"Rylan," sigaw pa ni Jeff sabay kaway sakin, kasama din niya si Benny at Rico.
Patakbo pa itong lumapit sakin habang nakasunod sa kanya ang dalawa. Bakas sa mga mukha nila nag pagkagulat.
"Rylan ikaw ba talaga yan!?" tanong pa ni Rico ng makalapit na sila.
"Oo naman, bakit?" tanong ko naman sa kanila para kasing sobrang nakakabigla na nandito ako ngayon.
"Wow, pero hindi linggo ngayon? Pwede ka na rin lumabas kahit di mo day-off?" tanong pa ni Benny na bakas ang matinding gulat sa mukha niya.
"Ah Oo, pinayagan na ako ni Dylan para daw di ako mainip at malungkot sa bahay," masaya ko namang sagot sa kanya.
"Ohhh, Napakabait talaga ng boss Dylan mo ah, Rylan," kumento naman ng dalawa, sabay tingin kay Jeff na parang nang aasar pa.
"Oo nga buti naman, lagi na kitang makakasama, ahhh --- ibig sabihin ko ay lagi ka na NAMING makakasama dito sa court," ngiti pang papaliwag ni Jeff.
![](https://img.wattpad.com/cover/211662606-288-k435865.jpg)
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...