Chapter 39

4.4K 200 5
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ




RYLAN POV

"Dylan! Gising na." Inaalog ko pa ang kanyang balikat.

"Hmm, Ry ko Good morning," pupungas-pungas na sagot naman niya habang nagkukusot pa ng mata.

"Good morning Dylan, bumangon ka na at maligo."

"Opo Ry po, sobrang excited ka ata ngayon ah," ngisi pa niyang sabi sabay tingin sa alarm clock na nasa bedside table.

Di ko ipagkakaila na talaga namang maaga akong nagising ngayon dahil sa excited ako sa first day ko sa cooking class mamaya, pero syempre gusto ko din namang maaga si Dylan sa trabaho niya kaya ginising ko na rin.

"Ano naman kung excited ako ha? walang magbabago. Kailangan mo paring bumangon," masungit na asik ko pa sa kanya.

Sa halip na magalit siya katulad ng mga natural na amo dahil pinangangaralan sila ng kanilang kasambahay ay nakangisi lang siya, at napapakamot sa ulo habang tumatayo mula sa higaan.

"Sabi ko nga po liligo na--" saad pa niya habang naglalakad papunta sa banyo.

"---mahal kong asawa," pahabol pa niyang turan at mabilis na nagsara ng pintuan ng Cr.

Napa-iling na lang ako dahil nagsisimula na naman siya eh kay aga-aga pa.

Aaminin ko, naiinis talaga ako kapag inaasar niya ako, pero hindi ko rin naman maiwasang kiligin kapag tinatawag niya akong ganun. Pakiramdam ko kasi ay nasasanay na siya sa pagtawag sa akin noon, baka pagnagtagal pa ay maniwala na ang aking sarili na mahal na nga niya ako.

Kahit alam kong maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi mangyayari iyon, pero di ko pa rin mapigilan ang aking sarili na mahalin siya.

Hayss, ayaw ko nang ipag patuloy ang isipin na ganito, di ba masaya dapat ako ngayon. Inayos ko na lang ang mga susuotin ni Dylan at nagtungo na sa kusina para magluto.

Habang naghahanda ako ng fruit juice ay dumating na si Dylan para kumain, inaya niya akong sabayan siya at napuno na naman ng gulo at ingay ang hapagkainan habang kami'y kumakain.



MAKALIPAS ang ilang sandali ay narito na kami sa garage para ibigay ang baon niya at ipagbukas siya ng gate.

"Ry ko, ingat sa unang araw mo sa cooking class. Pagkatapos ng klase mo ay umuwi ka na dito ha," paalala pa niya.

"Oo naman Dylan, ingat kq din sa pagmamaneho mo," sagot ko naman sa kanya sabay kaway habang pinagmamasdan ang sasakyan niyang papalayo na sakin.

Pag alis ni Dylan ay sinimulan ko na ang aking mga gawain para matapos ko agad ito bago ako pumasok. Kahit medyo nakakapagod ang mga ginagawa ko ay ginawa ko parin itong lahat ng may ngiti sa labi.

Linis dito.. Linis doon
Laba dito .... laba doon

"Hayss, natapos din," sabi ko pa habang pinupunasan ang aking pawis sa noo.

Malinis na ang buong bahay. Ang kwarto ni Dylan, garahe, kusina at ang garden. Ngayon ang kailangan kong gawin ay maghanda na dahil papasok na ako!

Malawak ang ngiti sa aking labi habang tumatakbo ako papunta sa aking kwarto.

Yess!! This is it !!!

▼△▼△▼△▼△

"Dylan nandito na ako sa school," ani ko pa kay Dylan habang kausap siya sa cellphone.

"Good to hear that, stay safe as always Ry ko."

"Sige, tawag ulit ako sayo pag-uwi ko."

"Okay, bye."

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon