Chapter 10

9.9K 433 11
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

RYLAN'S POV

MATAPOS ang munting surpresa ko sa kanya kanina. Napansin 'kong bumalik na rin agad siya sa kanyang opisina.

"May problema ba Ry? Halika ma upo ka muna dito," alok pa niya.

"Ah, hindi na. Kukumustahin ko lang sana ang pakiramdam mo, okay ka na ba talaga? Bakit nagtatrabaho ka na agad? pagligoy ko pang saad, nahihiya kasi akong sabihin ang tunay 'kong pakay.

"Don't worry, Ry ko. Maayos na ang pakiramdam ko, at saka hindi naman ako nagtatrabaho, may ginagawa lang ako."

Tumango naman ako ngunit hindi pa rin umalis sa kanyang harapan kaya napatingin muli siya sa akin.

"May iba ka pa bang kailangan?"

"Ah, ano kasi...pwede ba akong humirap ng cellphone mo, gusto ko sanang tawagan si nanay," ani ko, habang nagkakamot ng ulo dahil sa hiya.

"Iyon lang ba? Walang problema sa'kin.  Akala ko naman ay hihingi ka ulit ng kiss," palabiro pa niyang ani habang ngising-ngisi.

Namula naman ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi, sa halip na patulan pa siya ay mabilis ko na lamang na kinuha ang cellphone na kanyang ini-aabot. Nang ako'y makalabas sa kanyang opisina, maririnig pa ang malakas niyang pagtawa.

Gustong-gusto ko siyang balikan at batukan, pero nagpigil na lang ako. Mahirap maghanap ng bagong trabaho.

⋇⋆✦⋆⋇ 

"Hello po sir, magandang gabi po."

Napangiti pa ako nang marinig ang boses ni nanay mula sa kabilang linya. Akala siguro niya ay si Dylan ang tumatawag.

"Nay, ako po ito, si Rylan," masayang bati ko naman. Narinig ko pang napasinghap siya ng malakas dahil sa gulat.

"Ikaw ba 'yan anak? bakit ito ang gamit mong number? Hindi ba kay sir Dylan ito?" takang tanong pa niya.

"Opo, hiniram ko lang po ang cellphone niya dahil gusto ko kayong maka usap."

Nandito na nga pala ako sa loob ng aking kwarto, tapos na lahat ng aking gawain sa araw na ito kaya na-isipan 'kong tawagan si nanay kaso wala nga pala akong load, kaya naglakas loob na lang akong manghiram kay Dylan.

"May problema ka ba d'yan anak?" alalang tanong pa ni nanay.

Ang totoo n'yan ay ayaw ko naman na pag-alalahin pa siya, pero kailangan ko talaga ng kausap, pakiramdam ko ay mababaliw na ako dito kapag hindi ko pa nalaman ang nangyayari sa'kin.

"Wala naman po akong problema nay, maayos po ang kalagayan ko dito. Gusto ko lamang po sana kayong makumusta, miss ko na po kasi kayong lahat."

"Masaya akong malaman na ayos lang ang kalagayan mo d'yan, kami naman dito ay maayos din kaya huwag ka na masyadong mag alala. Miss na miss ka na rin ng mga kapatid mo," mangiyak-ngiyak namang sabi ni nanay.

Nadadala tuloy ako sa emosyon niya, unti-unti na ring nangilid ang aking mga luha.

"Nay, si kuya po ba yan?"

"Oo nga nay, siya po ba 'yan?" rinig ko pang ani ng kambal 'kong kapatid na sina Ren at Ben. Elementary pa lang sila.

"Oo mga anak, pero may pinag uusapan pa kami kaya mamaya n'yo na lang siya makakausap ha," mahinahon namang pakiusap ni nanay sa kambal.

"Okay po, nay," sabay pa nilang sabi.

Cute talaga ng mga kapatid ko, miss na miss ko na rin sila kaya kahit anong hirap ang pagdaanan ko dito ay kakayanin ko para sa kanila.

"Rylan tapatin mo nga ako, may gusto ka bang sabihin?" seryosong ani nanay. Iba talaga ang mga nanay kahit wala pang sinasabi ang anak nila ay ramdam na nila agad.

"Opo nay, ang totoo po n'yan ay may gumugulo sa aking isipan pati na rin po sa aking kalooban. May nararamdaman po akong hindi ko maipaliwanag," nahihiya 'kong pagsusumbong sa kanya.

"Hindi kaya'y may multo riyan aanak"

'Multo daw e' patawa rin itong si nanay.'

"Nay, wala pong multo dito, hindi po iyon ang ibig sabihin ko."

"Alam ko anak, sorry na pinapatawa lang kita para naman medyo gumaan ang loob mo."

Kahit corny ang joke ni nanay ay tunay ngang kahit paano'y naglaho ang bigat ng aking dibdib.

Kahit walang kasiguraduhan na malalaman ko ang kasagutan sa aking problema ay naikwento ko pa rin ang lahat ng iyon sa aking ina.

"Hindi kaya inlove ka na anak?" 'yan ang kungklusyon ni nanay pagkatapos ko sabihin sa kanya ang mga naramdaman ko.

Gustong-gusto sabihin kay nanay na imposible 'yon dahil lalaki ako at lalaki rin si Dylan, kaso 'di ko naman masabi kasi baka itakwil pa ako ni nanay pag nalaman niyang nakakaramdam ako ng ganito sa kapwa ko pa lalaki. Ayoko namang mangyari 'yon.

"Paano n'yo naman po nasabing inlove na ako?" pagkumpirma ko pa.

"Kasi anak ganyan lang din kami nagsimula ng tatay mo, pakabog-kabog lang ng dibdib na may kasamang pamumula ng mukha, senyales na kasi iyon na lagi mo s'yang iniisip, nag-aalala ka pa lagi sa kalagayan niya at masaya ka rin pag masaya siya. Huwag mong itatanggi na kahit minsan ay na iinis ka na, pero hindi mo naman magawang magalit sa kanya. tama ba ako?" mahabang paliwanag pa ni nanay.

Napatahimik naman ako sa sinabi niya sapagkat sapul na sapul kasi lahat.

"Anak nandyan ka pa ba?" nagising ako sa pagkatatulala nang marinig muli ang boses ni nanay.

"Ah, opo nay, ano nga po ang sabi n'yo hindi ko masyado narinig?"

"Ang sabi ko, kung maganda ba 'yang napupusuan mo? Saan mo siya nakilala?" sunod-sunod pa niyang tanong sa akin.

Halos mabulunan naman ako ng laway dahil sa gulat. Unang-una ay walang babae dito, pangalawa ay hindi naman ako nakakalabas ng bahay para makakilala ng iba. Hindi ko tuloy masagot ang mga katanugan ni nanay.

Hindi ko naman pwedeng aminin na sa lalaki po ako nakakaramdam ng gano'n. Nako, baka mahimatay pa si nanay pagsinabi ko 'yon. Kaya naman para makatakas ay nagdahilan na lamang ako. "Ah, pasensya na po nay, pero kailangan na daw po ni Dylan itong cellphone kaya ibababa ko na po."

"Sige anak, basta mag iingat ka lagi d'yan," paalam pa ni nanay.

"Sige po, bye."

Katulad nga ng iniisip ko kanina ay lalo lang akong naguluhan, inlove daw ako sabi ni nanay. Kanino naman?

'Sa Multong ang pangalan ay Dylan?'

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon