Chapter 12

8.5K 371 27
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ



RYLAN POV

ANTOK na antok pa ako habang nagdidilig ng halaman dito sa labas ng bahay.

Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag iisip. Nakahiga na ako sa kama ko nang maalala ang bagay na nasa aking bulsa, habang pinagmamasdan ko ito ay bigla kong naisip ang napakalaki kong pagkakamali, kinuha ko lang naman ito ng walang paalam kay Dylan. Ibigsabihin ay isa iyong pagnanakaw! Naisampal ko ang isang kamay ko sa noo ng maisip ko iyon.

Gusto ko sana ibalik pero hindi naman ako pedeng pumasok sa opisina niya ng walang pahintulot, isa yun sa mga rules niya.

Umabot na ng madaling araw ay gising na gising parin ako, hindi ko alam ang oras pero nakatulog din pala ako. Pakiramdam ko ay ilang minuto lang ang aking naitulog ng magising ako ngayong umaga.

"Kuya Rylan!!!" sigaw ng boses sa mula sa kabila ng bakod.

Kilala ko ang boses na iyon kaya sumilip ako sa gate, tama ako si Gab nga. Kasama ang iba niyang mga kaibigan.

"Oh Gab, bakit mo ako tinatawag?" takang tanong ko ang aga pa kasi.

"Kuya maglalaro kami ng basketball sali ka sa amin." Pag aanyaya pa ng bata, habang ipinakita sa akin ang bolang dala.

"Naku Gab, hindi pa ako tapos sa mga gawain ko dito sa bahay, sa makalawa naman ay linggo na ulit makakapaglaro na tayo," magiliw na sabi ko sa kanya para makumbinsi ko sya.

"Ganun po ba kuya, sige po."

"Okay, ba-bye Gab." kaway ko pa mula sa loob ng gate.

"Bye kuya," turan niya sabay kaway, ganun din ang iba niyang mga kasama.

Mabilis lang na dumaan ang mga oras dahil sa aking malalim na pag-iisip, hindi ko na nga napansin na hapon na ngayon, nandito ako sa sofa at nagtutupi ng mga bagong labang damit.

Pinag-hihiwalay ko ang mga damit ayon sa kanilang kulay ng maalala ko na naman ang bagay na nasa aking bulsa, hindi ko sya magawang ibalik sa loob ng opisina ni Dylan dahil natatakot ako, pinagmasdan ko na lang ito sabay buntong hininga.

Paano kaya kung mapansin ni Dylan na nawawala ang bagay na ito? Aamin ba ako na ako ang kumuha? ang sakit sa ulong mag-isip lalo na kung kulang ang tulog mo.

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa aking pisngi, hindi ko ito pinansin dahil inaantok pa ako.

"Ry ko gising na, Im home." Bigla akong napamulat ng marinig ang boses ni Dylan na medyo natatawa pa.

Hala! nakatulog pala ako dito sa sofa, pagtapos ko kasing dalhin ang mga bagong tuping damit sa kwarto ni dylan ay bumalik ako dito sa sofa para manuod sana ng Tv.

"Dylan, welcome home," bati ko, habang nagkukusot pa rin ng mata.

"Masarap ba ang tulog ng Ry ko? eto oh dala ko ang paborito mo," nakangiti pa niyang saad, sabay abot ng isang box na munchkins.

Teka, kung nandito na si Dylan ibigsabihin ay gabi na, hala!!! hindi pa ako nakakapagluto.

"Salamat Dylan, pero sorry talaga hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan," Taranta ko namang sabi sa kanya.

"Okay lang, basta nakapahinga ka wala sa aking problema, magbibihis lang ako sa taas ha," saad nya habang naglalakad pa akyat ng hagdan.

Nagmadali na akong magpunta sa kusina para maghanda ng hapunan. Inilabas ko na ang mga sangkap para sa lulutin ko ngayon. Nag saing narin ako ng kanin sa rice cooker.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon