I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Aaah~ Ry ko, dahan-dahan lang please."
"Ayaw m-mo na ba Dylan? H-Hindi ba a-ako magaling dito, kanina pa akong pagod sa ginagawa k-ko?" nangangatal na sabi ko pa.
"Ah sobrang sarap Ry ko, pero hinay-hinay lang," hinihingal naman niyang tugon.
"Tumigil ka nga Dylan, baka may makarinig pa sayo baka kung ano pang iisipin," inis na turan ko pa kahit namumula na ang mukha ko.
"Okay lang yan Ry ko, tayo lang naman ang nandito," nakangisi pang sabi niya habang nakadapa sa kanyang kama.
"Balakajan, ayaw ko na, nangangalay na ng kamay ko sa pagmamasahe sayo," saad ko naman sabay alis sa pagkakaupo ko sa likuran niya.
"Teka Ry ko, joke lang naman, sige na kaunti pa," nagpapa-awang pa niya.
"Di ba may sasabihin ka pa sa akin Dylan, bakit di mo pa simulan ngayon?"
"Oo nga pala, buti pina-alala mo Ry ko," dahil sa sinabi niya ay napasimangot naman ako. Ibigsabihin ay nakalimutan talaga niya.
Pag uwi kasi niya kanina ay nasabi niya namay gusto daw siya sa aking sabihin kaya naman na paisip ako kung ano iyon.
Pagkatapos namin kumain ay pinapunta niya ako dito sa kanyang kwarto para pag-usapan ang tinutukoy niya, pero bigla na lang sumakit ang braso at likod niya kaya imassage ko daw muna.
Kaya ayan napunta kami sa ganitong sitwasyon at para pa atang nakalimutan na niya ang tunay na dahilan kung bakit niya ako pinatawag dito.
Umupo siya ng maayos sa kama at humarap sa akin, wala syang damit pang itaas at naka boxer shorts lang. Medyo na iilang ako sa kanya ngayon na di ko maintindihan, lagi naman akong pumupunta sa kwarto niya, dito pa nga ako natutulog at minsan ay magkatabi pa kami lalo na noong nangyari ang insidente kay Leo.
Pero ngayon ay parang may nararamdan akong kaba sapagkat hindi ko maiwasang di maalala ang halik na naganap sa amin noon, dahil sa hiyang nararamdaman ay nadama ko ang pag-iinit ng aking pisngi at buong katawan.
"Ah g-gabi na pala talaga D-Dylan, bukas na lang tayo mag-usap," palusot ko pa upang maka alis na ako dito, ayaw ko naman na makita niya na ganito ang itsura ko.
"Ha? Teka, may sakit ka ba? Bakit ang pula oh," nag-aalala pa nyang sabi sabay salat sa aking noo.
"W-Wala Dylan, okay lang ako pwede na ba ak--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hawakan sa kamay upang di ako makaalis sa aking kinalalagyan.
"Teka Ry ko, May problema ba? Bakit di ka makatingin sa akin?" aniya, habang pilit na inaangat ang aking mukha paharap sa kanya.
"I-Inaantok na kasi ako Dylan," palusot ko pa para bitawan na niya ako.
"Ganun ba," tugon pa niya habang parang may malalim na iniisip, lumuwag na rin ang pagkakahawak nya sa aking kamay kaya napangiti ako.
Pero bago matanggal ng tuluyan ang pagkakahawak niya sakin ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi at di ko inaasahan ang sunod niyang gagawin.
"Dylan!?" sigaw ko.
"Di ba inaantok ka na Ry ko, tayo nang matulog," nakangisi pa niyang saad, sabay yakap sa akin pahiga sa kanyang kama.
"Oo! Pero hindi dito." Pagpupumigko habang sinusubukang umalis sa pagkakadagan niya.
"Nandito ka na din naman, dito ka na matulog," bulong niya, habang nakasiksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...