I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
PAGKATAPOS ng pag uusap namin kanina ng mama ni Dylan at ang kakaibang biro ng tatay nito ay ipinagpatuloy namin ang paggawa ng mga dessert katulong si Dylan at Dad.
Napagpasyahan din nila na dito sa bahay magpalipas ng gabi kaya inihanda namin ni Dylan ang guest room para sa kanila.
"Ry ko, tulog na rin tayo," nakangiti pang sabi ni Dylan habang hinihigit ako papasok sa kwarto niya.
"Oo tutulog na ako, pero di sa kwarto mo," nakangiti ko namang sagot.
"Eh Ry ko, please dito ka na matulog," pangungulit pa niya.
Napailing na lang ako dahil sa pagpapa-cute niya.
"A-yo-ko," sagot ko pa rin.
▼△▼△▼△▼△
DEC . 24
MAAGA akong nagising para makapaghanda ng agahan naming lahat lalo na at dito rin kakain ang mga magulang ni Dylan.
"Hm, Noche Buena na pala mamaya," sabi ko pa nang mapatingin ako sa kalendaryo sa pader.
Tatawag ako mamaya sa aking pamilya para batiin sila, tinawagan ko na sila kahapon para sabihin na ligtas akong nakarating sa maynila at kasama ko na ulit si Dylan.
Pagkatapos kong maghilamos ng mukha ay nagmadali na ako papunta sa kusina para magluto, pero nang makarating ako dito ay nagulat ako na naroon na rin si mom.
"Ang aga nyo naman pong magising," sabi ko pa ng makalapit ako sa kanya.
"Gusto ko kasing magpa impress ng kaunti sa inyo ni Dylan kaya ako na ang magluluto ng agahan," nakangiti pa niyang saas.
"Ganun po ba, pwede ko po ba kayong tulungan?" tanong ko pa habang inililibot ang paningin sa pwede kong gawin.
"Oo naman, halika."
"Magluluto ako ng omelet, french toast at bacon. Can you stir some egg?"
"Okay po," sagot ko naman at ginawa na ang pakiusap nito.
Pagkalipas ng ilang minutong pagluluto ay natapos na rin namin ito.
"Hijo, can you wake them up?" pakiusap pa ni mom.
Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pag akyat sa hagdan, kaso pag akyat ko ay nakasalubong ko si Dad sa hagdan.
"Good morning po," magalang kong bati dito.
Ngumiti naman ito bago sumagot. "Good morning too, Rylan"
"Ah handa na po ang agahan, gigisingin ko lang po si Dylan."
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kwarto ni Dylan.
"Dylan, gising na!!"
"Ry ko, Good morning."
"Good Morning Dylan, sige na bumangon ka na at kakain na," utos ko pa sa kanya.
"Sige, Ry ko," nakangiting sagot niya sabay halik sa labi ko bago pumasok sa banyo.
Napailing na lang ako at napakagat labi dahil sa halik na ibinigay niya.Nauna na rin akong bumaba papunta sa kusina para tulungan si Mom, habang nagtitimpla ako ng juice ay dumating na si Dylan.
Masaya naming pinagsaluhan ang agahan habang kakwentuhan sina Mom at Dad.
Pagkalipas ng ilang minuto at natapos na kaming kumain ay nagpaalam ang mga magulang ni Dylan sa amin.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...