I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
NAGING maayos na ang mga sumunod na araw sa aking buhay, nawala na ang kaba at takot sa aking dibdib. Mas napalapit na rin ako sa mga bago kong kaibigan, kay Lily at Leo.
Si Lily ay medyo mataray, pero napakabait din. Ganun din naman ang kanyang nanay na si aling Mimi. Mula nga pala ng makilala ni Dylan si Lily ay pinayagan na rin niya akong pumunta at bumisita sa bahay nila, sabi pa ni Dylan ay mukhang mabait naman si Lily at higit sa lahat ay kapatid pa nito ang kaibigan kong si Gab kaya okay lang daw na pumunta ako sa kanila pag naiinip ako dito sa bahay.
Ang maganda pa niyan ay parehas din kami ng hilig ni Lily, masaya kami kapag nakakapag-bake. Kaya naman ng sabihin ko sa kanya na gumagawa ako ng mga dessert ay di na niya ako tinigilan para kulitin, gusto daw niyang matikman ang mga gawa ko, kaya nandito ako sa tapat ng bahay nila at magdo-doorbell, dala ko din sa aking isang kamay ang paperbag na may lamang mga tupperware.
"Cutiee! sorry natalagan ako," nagmamadaling ani lily, habang binubuksan ang gate ng bahay nila.
"Okay lang Lily."
"Halika, upo ka muna riyan sa sofa," aniya ng makapasok na kami sa bahay nila at makarating sa living room.
Hapon na ngayon, siguro ay mga 3:00 pm na, ganito sadya akong oras dumadalaw sa kanila dahil tapos na ang lahat ng aking gawain sa bahay.
Pagtumatambay ako dito kayna lily ay lagi kaming nagkukwentuhan, nanunuod ng mga panghapong teleserye at minsan ay sabay na nagbe-bake sa kanilang kusina. Dati ay manager si Lily ng isang call center kaya lagi siyang busy. Ngayon ay naisipan niyang maging call center agent pa rin, pero working from home na lang kaya naman maraming libreng oras na siya ngayon.
"Wow, ang sasarap naman ng mga ito," sabi niya habang tinitikman isa-isa ang mga dessert na dala ko.
"Fan mo na talaga ako, Cutieee galing mong magbake," masaya pa niyang turan habang sarap na sarap sa pagkain.
"Ate pahingi din ako," sabat naman ni Gab na kababa lang sa hagdan.
"Mamaya ka na bata, di ba may group project pa kayo? Layas na titirhan na lang kita mamaya," mataray na anito sa kapatid, pero kahit ganyan kataray si Lily kay Gab ay mahal na mahal pa rin niya ang kapatid.
"Sige na nga ate, basta kuya Rylan ha, titirhan mo ako."
"Oo naman Gab, mag iingat ka sa pupuntahan mo."
"Gab, ito pamasahe mo," pahabol na sabi pa ni aling Mimi.
"Salamat Ma!" ani Gab bago lumbas ng bahay.
"Tita, eto po oh, may dala akong dessert," alok ko sa nanay nila Gab at Lily.
"Salamat Rylan, sige nga patikim din ako."
"Naku, ang sarap nga di tulad ng luto nitong si Lily kahit ilang beses mag-try ay wala talagang pag asa," natatawang sabi ni aling Mimi.
"Ma! naman, alam ko naman yun eh kaya nga nagpapaturo ako kay Cutie," nakasimangot na sabi pa ni Lily sa kanyang ina.
Nakakatuwa talaga silang pagmasdan, di ko tuloy maiwasang di makaramdam ng inggit, miss ko na si nanay kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Okay ka lang ba Cutie?" nag alalang tanong ni Lily.
"Ah Oo naman, gusto mo bang turuan kitang gumawa ng brownies?" nakangiti ko pang alok sa kanya.
"Sige sige," masayang sabi ni lily na halatang excited na.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...