I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
ANG sumunod na araw ay wala akong pasok sa cooking class kaya naman nasa bahay lang ako buong maghapon.
Hanggang ngayon ay di ko pa rin mapagilang di mapangiti kapag na-aalala ko ang nangyari kagabi, buong maghapon na ang nakalipas ay ganito pa rin ako, may sakit na ata talaga ako.
'Love sickness!' nababaliw na ata ako.
Nababaliw na talaga ako, nababaliw na ako kay Dylan. 'Goodness, parang gustong sumigaw dahil sa kilig. Napatigil ako sa pagtawa ng mapansin kong naparami na pala ang lagay ko ng asin sa ulam na niluluto ko para sa hapunan namin.
Agad ko itong tinikman at dinagdagan ng tubig dahil medyo napa-alat nga.
Napatingin ako sa orasan para alamin kung malapit ng umuwi si Dylan. Sabik na ulit kasi ako na makasama siya, pero nawala ang ngiti sa labi ko ng mapansing late na siya.6:00 pm ang uwi nya, 6:45 na pero wala pa siya. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng apron (Yung regalo ni Dylan) na suot ko para tiningnan kung tumawag o nagtext siya.
Nanlumo ako dahil wala, ang huli nyang tawag sa akin ay kaninang 3:30 pm pa. Hmm, siguro ay na lowbat kaya di nakatawag, tapos may meeting pa siya.
Naluto ko na ang ulam at kanin, naihanda ko na din ang aming panghimagas. Okay na lahat, si Dylan na lang ang kulang. Tumingin ulit ako sa orasan at napansin na gabi na talaga, mag aalas Otso na.
Naihanda ko na kanina ang hapunan sa mesa, kaso dahil wala pa talaga si Dylan at ayaw ko namang madumihan iyon ay inayos ko na lang muna ulit.
Nanuod muna ako sa sala habang naghihintay, naghintay na rin ako sa may pinto, hanggang nakita ko na lang na pabalik-balik na ang ginagawa kong paglalakad sa buong bahay. Nag aalala na rin ako sa kanya, hindi yun nagpapagabi eh, kanina ay akala ko ay busy lang siya kaya ayaw kong istorbuhin, pero ngayon ay iba na.
Mabilis akong bumalik sa kusina para kunin ang cellphone sa apron na nakasabit doon. Kailangan ko na siyang tawagan.
Kringg!! kringgg!!
'Nagri-ring lang ang cellphone niya, pero bakit kaya hindi niya sinasagot? Ano kayang nangyari sa kanya?'
Habang nakatitig ako sa aking cellphone ay bigla kong narinig ang doorbell. Ngayon lang ako tumakbo ng ganito kabilis sa buong buhay ko para lang makapunta kaagad sa pinto. Wala akong sinayang na oras at binuksan ko na agad ang pinto at dumeretso sa gate.
Mula sa labas ng gate ay nakita ko si Nico at akay-akay nito balikat si Dylan. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa aking nakikita, binuksan ko na lang ng tahimik ang gate at pinapasok sila.
"Pasensya k ana Rylan ha, alam kong di ka tinawagan ni boss tapos uuwi syang ganito," napapakamot sa ulo pang sabi ni Nico nang maihiga na namin si Dylan sa kama nito.
Tumango na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko
Ang lalaking kanina ko pang hinihintay ay ito ngayon at nakaratay sa sobrang kalasingan.Bumuntong hininga ako, walang mangyayari kung tatayo lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko rin malalaman ang mangyayari kung tatahimik lang ako dito.
"Ah Nico, pwede mo ba akong tulungan na bihisan siya?"
"Oo naman at saka pasensya na talaga Rylan," sabi pa niya habang tinutulungan akong tanggalin ang damit ni Dylan.
"Bakit ka humihingi ng paumanhin sa akin, kasambahay niya lang ako at di asawa. Kung ano man ang gusto niyang gawin ay wala akong karapatang pigilan siya."
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...