Chapter 24

5.5K 287 10
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ




RYLAN POV

NAGISING ako dahil sa mabigat na brasong nakayakap sa akin. Ang lamig talaga dito! kaya imbis na umalis agad sa higaan ay isiniksik ko na lang ang aking sarili palapit kay Dylan, ang init kasi niya.

"Hmm," ungol lang niya, habang mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin, nasa likuran ko siya kaya dama ko ang mainit nyang katawan na bumabalot sakin.

Pipikit pa sana ako para matulog ulit nang maaninag ko ang orasan na nakapatong sa side table ng kama, tanghali na pala. Malamig lang at madilim kaya akala ko ay maaga pa. 9:30 am na kaya kahit gusto ko pang matulog ay pinilit kong inalis ang aking sarili sa napaka-komportableng posisyon na iyon.

Inayos ko pa ang kumot ni Dylan bago ako nagtungo sa banyo para maka-ligo na, marami pa kasi kaming balak puntahan sa araw na ito kaya kailangan kong ihanda ang aking sarili sa pagod na mararanasan ko. Sure akong marami at mahaba-habang lakaran at pasyalan na naman ang aming kahaharapin ni Dylan. Nakakapagod man, pero hindi nun matutumbasan ang sayang aking nararamdaman.

Lumabas ako ng banyo na nakasuot ng bathrobe dahil nakalimutan ko na namang maghanda ng pamalit na damit.

Naka-upo ako sa kama, patalikod sa natutulog na Dylan habang naghahanap ng damit sa loob ng bag na aming dala.

Naisipan ko na rin na ipaghanda si Dylan ng damit na susuotin niya bago ko siya gisingin.

"Dylan!!!" gulat na sigaw ko nang bigla na lang may humila sakin pahiga ulit sa kama. Bigla pa siyang pumatong sakin at...

"Good morning Ry ko," nakangisi pa niyang sambit sabay halik sa aking noo.

Sa bilis ng mga pangyayari ay halos di ako nakagalaw, pagkatapos ng kanyang ginawa ay tumayo na rin siya para magtungo sa banyo, naiwan akong tulala dahil sa pagkabigla.

'Luko ka talaga Dylan!!!' sigaw ko pa sa aking isipan, habang nagpapa-gulong gulong sa ibabaw ng kama.

'MAGANDA ang panahon ngayon, may sikat ng araw kaya hindi ganun kalamig,' isip-isip ko pa, habang naglalakad kami ni Dylan palabas ng hotel, napagpasyahan namin na sa labas na rin mag-agahan.

Hindi ko maintindihan, pero pagbaba palang namin sa lobby ng hotel ay iba na ang akinh pakiramdam, iyon bang parang laging nakatingin at nakamasid sa aming mga galaw.

Kahit ngayon ay ganun pa rin ang nararamdaman ko, kaya naman pilit kong ililingon ang aming dinadaanan para hanapin ang taong yun, pero sa huli ay bigo pa rin ako.

'Siguro ay napasobra lang ang tulog ko kaya napapraning na ako.' Napakibit-balikat pa ako.

▼△▼△▼△▼△

3RD PERSON POV

NANG makarating na ang dalawa sa parking lot ay napansin ni Dylan na wala ang susi ng kotse niya.

"Ry ko, naiwan ang susi sa kwarto, dito ka lang ha, kukunin ko lang ng mabilis," anito at nagmamadaling bumalik papasok sa hotel.

"T-Teka! Dylan --"

Bago pa matapos ni Rylan ang kanyang sasabihin ay malayo na si Dylan, kaya naman naiwan siya dito sa tabi ng kotse at parang baliw na palingon-lingon dahil sa biglaang pagtaas ng kanyang balahibo dulot ng kakaibang pakiramdam na parang may nakatingin at sumusubaybay sa kanya.

Nagbigay ito ng kilabot at kaba sa kanyang dibdib habang inililibot ang kanyang paningin sa buong paligid, ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba o kahina-hinala.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon