I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
NAPATIGIL naman silang dalawa dahil sa pahayag ng isa sa mga musikero at hindi naman nila napigilan na di mapatawa.
Gusto sanang mainis ni Dylan dahil naputol ang kanilang mainit na moment ni Ry, ngunit napailing na lamang siya dahil parehas naman silang masaya at iyon ang mahalaga, ganun din ay hindi sila naiilang sa isa't isa.
"Ry ko uwi na tayo," natatawa pa ring pag aaya ni Dylan dito.
"Okay, pero paano itong mga gamit?" tanong naman ni Rylan.
"May mag aayos nyan Ry ko, halika na."
Nagpatuloy sila sa kotse at nagpasya na bumalik sa hotel.▼△▼△▼△▼△
RYLAN POV
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa bukas na kurtina.
Napatingin ako sa paligid habang inaalala kung nasaan ako. Habang bumabalik lahat ng nangyari sa amin kahapon ay bigla na lang akong napasigaw habang kinikikig at napasiksik na lang sa matigas at mainit kong unan na ang pangalan ay Dylan.
Kahit sabihing walang naganap na palitan ng 'I love you' sa aming pagitan ay kahit papaano ay nararamdaman ko na espesyal ako sa kanya. Iniisip ko palang ang bagay na iyon ay bumabalik ang kilig sa aking katawan.
"Good morning Ry ko, bakit may problema ba?" antok na tanong niya, sabay halik sa aking noo nang mapansi niyng nakasiksik ako sa kanya.
"Hehe good morning Dylan," sagot ko naman habang umiiwas ng tingin sa kanya.
Tumayo na ako, pero biglang napa-upo dahil sa sakit ng aking TUHOD po, hindi bewang. Walang nangyari samin ni Dylan kagabi pag balik namin dito sa hotel.
Nabangga kasi ang tuhod ko sa gilid ng kama kaya napa upo ako dahil sa sakit nito, mabilis namang bumangon si Dylan at tinulungan akong tumayo.
"Sure ka bang okay ka lang?"
"Oo Dylan, sige na maligo ka na."
Wala naman akong aayusing gamit dahil wala naman kaming dala. Yung mga paper bag naman ay nasa sasakyan lahat.
Pagkalipas ng ilang oras at pagkatapos ng medyo mahabang byahe ay nakauwi na rin kami. Masaya akong bumaba sa kotse habang nakangiti, sobrang saya ko ngayon at higit sa lahat ay matutuloy ko na ngayon at sa mga susunod na araw ang aking negosyo. Iniisip ko pa lang ay nasasabik na ako.
Naglakad ako na parang nanalo sa lotto dahil sa saya at lawak ng ngiti, wala akong pakialam sa aking dinadaanan nang biglang...
"ARAY!!!" daing ko nang tumama ulit ang masakit kong tuhod sa gilid ng kotse. 'Aruy! Ang swerte ko talaga.'
"Ry ko!" sigaw pa ni Dylan para saluhin ako.
Ding !!! Dong!!!
"Cutieee!!! Pasok ka." Katulad ng dati ay masigla akong binati ni Lily, di talaga kumukupas ang energy ng babaeng ito.
Nang makapasok ako sa bahay nila at mailibot ang aking paningin ay napatanong na lang ako.
"Bakit nandito na naman ako sa kwarto mo? Wala ka namang balak na lagyan ulit ako ng make-up no?"
"Wala, pero may ikukwento ka sa akin ngayon!!! Ayieeee~" malakas na sigaw pa niya.
"Ha? Ano namang ikukwento ko sayo?" takang tanong ko pa sa kanya.
"Deny pa more, alam kong may pinuntahan kayo ng asawa mo kahapon."
"Paano mo naman nalaman na umalis kami?"
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...