I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Make over? Pero di ko kailangan ng make up Lily," reklamo ko pa sa kanya, nagtataka na talaga ko sa mga pumasok sa utak ng babaeng ito.
"Ano ka ba, akong bahala sayo, hindi naman kita lalagyan ng make na para kang sasali sa miss universe. Yung light lang, basta ako bahala."
Hindi ko alam kung pwede ko syang pagkatiwalaan pag dating sa ganitong bagay, baka mamaya ay mag mukha pa akong clown.
"Basta wait mo ako Cutie ha, uuwi ako ng maaga then chat kita, punta ka sa bahay," sabi pa niya at nagpaalam na, masama na daw ang tingin ng boss niya.
Huminga ulit ako ng malalim at nagpasya na pumunta sa kusina para ihanda ang mga lulutuin ko mamaya. Malungkot man ako ay ayaw ko namang mapahiya si Dylan sa mga bisita niya mamaya kaya kailangan kong ayusin ang luto ko.
Nang matapos ko ng ihanda lahat, nahiwa ko na lahat ng sangkap ay itinago ito sa ref para ready ng iluto mamaya, gumawa din ako ng dessert.
Napatingin na lang ako sa orasan, 3:00 pm na, bakit kaya di pa nag chachat si Li---.
Naputol ang pagiisip ko ng mabasa ang chat ni Lily, punta na daw ako sa kanila dahil nakauwi na siya.
▼△▼△▼△▼△
"Cutiee, pasok ka bilis," aniya sabay bukas ng gate. Mabilis niya akong hinila papunta sa kwarto niya.
"Bakit tayo nandito sa kwarto mo?" takang tanong ko pa habang inililibot ang paningin sa loob ng kanyang silid.
"Syempre nandito ang mga pang make- up ko."
"Seryoso ka bang make-up-an ako?" di makapaniwalang tanong ko ulit.
"Oo naman, tumingin ka nga sa salamin ng makita mo ang ibigsabihin ko."
Sumunod naman ako sa kanya at lumapit sa malaking salamin na nakadikit sa pader.
Hayss, mukhang kailangan ko nga. Ang ibaba ng aking mata ay nangingitim na dahil sa kakapusan sa tulog, ang mga labi kong namumutla na at ang katawan kong medyo namamayat na. In short, zombie na ang itsura ko.
"Halika muna Cutie," sabi niya sabay tapik sa kanyang tabi, habang nakaupo siya sa kama. Lumapit naman ako at umupo.
"Unang-una ay gusto kong kausapin ka," aniya sabay hawak sa dalawang balikat ko.
"Anong pag uusapan natin?"
"Ano pa edi ito kung paano palalakasin ang loob mo para makaharap ka sa kanila mamaya. Tandaan mo Rylan, narito ako lagi para sayo, hindi lang ako pati ang buong pamilya ko alam kong maraming nagmamahal sayo kaya please tibayan mo ang loob mo," seryosong saad niya habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata.
Napangiti naman ako kahit nangingilid na ang luha sa aking mga mata. 'God salamat po dahil pinagkalooban nyo ako ng mabuting kaibigan.'
"Salamat Lily."
"Wala yun, okay. Kung ano man ang mangyari mamaya, eto ang lagi mong tatandaan narito lang kaming lahat, isipin mo lang kami pag pinanghihinaan kana ng loob pag pakiramdam mo na papatak na ang luha mo ngumiti ka lang, because smile is the best revenge, I mean weapon," natatawa pa niyang saad.
Napatawa na rin ako at napayakap sa kanya, tinugunan niya ang yakap ko at mas hinigpitan pa iyon.
"Sige lang Rylan, ilabas mo lang ang sama ng loob mo at sakit na nararamdaman mo."
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...