Chapter 61

4.5K 245 40
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

RYLAN POV

[Mom, Dad!]

LUMABAS naman ang dalawang tao sa sasakyan. Sumalubong naman si Dylan sa kanila nang sabik na sabik. Yumakap siya sa mga ito at ngumiti ng napakaganda.

Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti dahil ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Dylan.

Hayss.. Ang ganda nila pagmasdan, sa wakas ay nabuo na ang kanilang pamilya.

"Mom, Dad masaya po akong makita kayo!" masiglang sabi pa ni Dylan sa kanyang mga magulang.

"Of course anak we're so happy to see you too, we miss you so much kaya nang magkaroon kami ng pagkakataon ay pumunta na kami dito," turan naman ng kanyang nanay.

Ang mga magulang niya ay hindi pa ganun ka tanda, napaka ganda ng nanay niya at kamukhang-kamukha naman niya ang kanyang tatay. Minus ang mga ngiti dahil mukhang sobrang seryoso nito.

"It's nice to see you my son," bati naman ng tatay niya. Ngumiti naman si Dylan at yumakap sa ama nito.

Yan ang isa pang gusto ko kay Dylan, kahit anong pagkukulang sa kanya ng kanyang mga magulang ay hindi pa rin iyon naging dahilan para magalit siya sa mga ito.

Binuksan ko na lang ang gate at pinto ng bahay para makapasok na sila at makapagkwentuhan ng maayos sa sala.

"Ry ko salamat," bulong pa sa akin ni Dylan ng makapasok na sila.

"Wala yun, magluluto na ako ng tanghalian," nakangiti ko namang sagot sa kanya at nagtungo na ako sa kusina.

Habang nagluluto ako ng abodo w/ patatas, chicken bbq at kanin para sa tanghalian ay nakikipag usap naman si Dylan sa mga magulang nito sa sala.

Pagkalipas ng isang oras ay naluto at naihanda ko ang lahat sa hapagkainan tapos ay dumeretso na ako sa sala para sunduin sila.

"H-Handa na po ang tanghalian," nauutal ko pang sabi dahil nahihiya ako sa mga tingin na ipinupukol sa akin ng magulang niya.

"Mom, Dad, come on let's eat," masayang pag aanyaya pa ni Dylan sa mga ito.

"Wait, butbwho is he?" tanong pa ng nanay niya sabay turo sa akin kaya naman lalo akong kinabahan, napatingin naman ako kay Dylan para humingi ng tulong.

"Ma, si Ry ko!" sagot naman ni Dylan sabay akbay pa sa akin. Lalo akong natakot nang tumaas ang magandang kilay ng kanyang nanay dahil sa sagot ni Dylan.

Namutla naman ako, dapat kasi 'Kasambahay na lang ang sinabi niya,' isip-isip ko pa, at saka baka tarayan pa ako ng nanay niya kaya lalo akong natakot.

"R-Rylan Arellano po," mahinang pagpapakilala ko naman.

"We know," tipid na sagot naman ng tatay niya, kaya napatingin naman ako dito.

Habang nakatingala ako sa tatay ni Dylan ay narinig ko namang napatawa ang nanay niya, kaya lumipat ang tingin ko dito.

"Dont be so nervous hijo, we already know who you are," nakangiting sabi ng nanay nito.

"Naku, lagi kang ikinukwento samin ni Dylan, ipinagmamalaki din niya ang mga luto mo," dugtong pa nito. Bigla namang nag init ang mukha ko sa hiya at napasiksik sa tagiliran ni Dylan.

"Aww so cuteeee! wag kang mahiya," natatawa pang turan ulit ng nanay ni Dylan sa akin. Habang nagulat naman ako ng biglang guluhin ng tatay nya ang aking buhok.

"Dad, he's Mine," parang batang sabi ni Dylan sabay yakap sa akin pa layo sa kanyang ama.

Napatawa naman lalo ang nanay nya at napangiti ang kanyang tatay. Ako naman ay lalong napahiya dahil sa pagiging isip bata ni Dylan.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon