I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Ayy bansot!" pang gagaya pa ni Cris sa sinabi ni Mitch.
"Ano bang ginagawa mo dito ha!?" inis na tanong naman ni Mitch.
"Bakit ba ang taray mo? Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito."
"Aba't ang lakas din talaga ng loob mo ano?" ani Mitch na nakapamaywang na.
"Talagang malakas ang loob ko dahil gwapo ako," mayabang na sabi naman ni Cris dito.
"Yakk, mukhang yan, Gwapo?? Baka hindi lakas ng loob ang kailangan mo? Baka naman salamin?" malakas na tawa pa ni Mitch, napapailing na lang ako sa dalawang ito.
"Ikaw talaga bansot, ep--"
"May kailangan ka ba Cris?" tanong ko na lang para maawat ang awayan na naman nila.
"Ha-ha wala naman Rylan, di ba pauwi na kayo? Hatid na kita," nahihiya pang sabi nito sabay kamot sa batok niya.
"Oo pauwi na kami, pasensya na di ko matatanggap ang alok mo, mag jejeep na lang ako pauwi," pagpapaumanhin ko pang sabi dito.
"Ah ganun ba, Okay lang," sagot naman ni Cris.
"Yakk, pa-good boy effect pa kasi," nadidiring sabi ni Mitch dito. Nakita ko namang lumisik ang mata ni Cris dahil sa inis kay Mitch, naku po magsisimula na naman sila.
"Ha-ha di ba may klase ka pa Cris, pasensya na mauuna na kami ha," sabi ko sabay higit kay Mitch para di na magsimula ang sagutan na naman nila.
"Ah Oo, babye Rylan," rinig kong sigaw pa niya kaway na lang ang naisagot ko dito. Nang makarating kami sa may gate ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Bye Rylan! Hanggang sa muli," sabi pa ni Mitch sabay kaway sa akin habang papasok sa mamahaling kotse.
Kumaway ako pabalik sa kanya at naglakad na ako papunta sa may kanto at doon sumakay ng jeep. Inabot ng ilang minuto ang byahe ko pauwi.
"Para na po," sigaw ko pa sa driver at bumaba na ko sa kanto malapit sa subdivision. Nagmamadali akong naglakad para makarating sa gate, bukod sa mainit ay gutom na rin ako dahil lampas alas dose na.
Binati ako ng guard ng subdivision nang makita niya ako, nginitian ko naman ito at nagpatuloy sa paglalakad. Naalala ko pa na kailangan ko nga palang tawagan si Dylan, pero siguro mamaya na lang pag nasa bahay na ako.
Dumaan ako sa may court, walang naglalarong mga bata, sigurado akong nasa school pa sila. Ilang liko at deretso ay natanaw ko na ang bahay. Nagmadali ako sa paglalakad at sa wakas ay narating ko na rin ito.
"Hayss nakauwi rin," masayang sabi ko nang maramdaman ko ang lamig ng aircon pagpasok ko pa lang sa bahay.
Dumeretso muna ako sa aking kwarto para magpalit ng damit at ipahiga ang aking sarili. Nagpalamig muna ako sa kwarto ko habang nakaupo sa kama, ang aking uniform ay tinupi ko muna dahil mamaya ko pa ito lalabhan.
"Oo Dylan, nandito na ako sa bahay," kausap ko sita sa cellphone habang naglalakad ako papuntang kusina.
"Hindi pa, maghahanda palang ako ng tanghalian," sagot ko pa.
"Ikaw ba kumain ka na?"
Kanina pakiramdam ko ay pagod ako, pero ngayong narinig ko na ulit ang boses ni Dylan, para akong battery na na-full charge, masaya at masigla na ulit ako.
"Oo Ry ko, nakakain na ako kanina. Kumain ka na rin, wag kang magpapalipas ng gutom," paalala na niya.
Napangiti naman ako, kahit maliliit na bagay na gawin at sabihin niya sa akin ay nararamdaman kong tunay syang nag aalala. Hayss, ang lakas na talaga ng tama ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...