I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
[Still Dec. 22.]
Nagpaalam ako kayna tatay na titingnan ko kung sino ang nasa pinto, tumango naman sila bilang sagot.
Paglabas ko ay nakita ko ang pagmumukha ng mga kababata kong mahilig mang indian, sabi pupuntahan ako kahapon pero di sumipot, kaya napa nakakunot ang kilay ko habang nakatingin sa kanila.
"Haha, sorry na Rylan, may ginawa lang kami kahapon kaya di kami nakapunta dito" si Marco habang napapakamot sa batok dahil sa hiya.
"Oo nga pre, sorry na, miss ka na namin" si Glenn
"Tayo na pre, marami-rami pa tayong pagkukwentuhan" si kiko sabay akbay na naman sakin.
Naglakad kami papunta sa tambayan namin mula noon, ang tindahan ni aling Rosa. Bumili muna kami ng softdrinks para di kami palayisin ni aling Rosa dahil sa pagtambay dito.
Umupo kami sa isang tabi dala ang softdrinks.
"Hayss pre, mukhang asensado ka na ah" puna pa ni Marco ng makaupo kami.
"Haha hindi naman, nakahanap lang ako ng maayos na trabaho dun" sagot ko naman.
"Wews, hindi daw eh balita namin na may sarili ka na daw na negosyo dun" sabi ng chismosong si Glenn.
"Oo nga, bukod pa dun ay tingnan mo yang balat mo, lalo ka ng naging tisoy haha, ang puti mo" si Kiko habang tumatawa, May pagsundot pa ito sa braso ko.
"Ah mabait kasi ang boss ko kaya pinayagan nya akong magtinda ng mga panghimagas na ginagawa ko pag tapos ko na ang trabaho ko sa bahay" seryosong sagot ko naman sa kanila.
"Sana lahat ay sinuswerte kagaya mo pre, pero alam mo ba, sobra kaming kinabahan noong nagdesisyon ka na pumunta sa maynila noon, alam naman nating lahat na sobrang delikado roon pero nagbakasakali ka parin." napapailing pa na sabi ni kiko, yung dalawa naman ay napapatango dahil sa pag sang ayon sa sinabi nya.
"Tama yun pre, kung hindi lang kami na duwag noon, sana nasamahan ka namin, sobra kaming nag alala para sayo, buti na lang at maayos ang napuntahan mong trabaho" si Marco
Hayss napangiti naman ako dahil sa masayang nararamdaman, akalain mo naman na tunay na nag aalala ang mga kaibigan ko saking kalagayan.
"Maraming maraming salamat sa pag aalala nyo mga pre, Ok na ako at eto oh namumuti pa haha" sabi ko naman kaya nagkatawanan pa kami.
"Di ba kasambahay ka Rylan, hindi ba mahirap ang trabaho mo dun?, marami ka bang pinagsisilbihan?" tanong pa ni Marco.
Oo di ko ikinahihiya ang trabaho ko, proud pa nga ako eh.
"Oo kasambahay ako, hindi naman mahirap ang trabaho ko dun, iisa naman kasi ang boss ko, kaming dalawa lang sa bahay"
"Eh ganun ba, matanda ang boss mo ano??!!" malakas na sabi pa ni Glenn na kala mo ay tama sya sa hinala nya.
"Haha hindi, bata pa ang boss ko, 25 pa lang sya" tunay na sagot ko naman sa kanila.
Napatangi naman silang tatlo dahil sa sagot ko.
"Sexy ba? baka maka jackpot ka lalo pre" malokong hirit pa ni Kiko
Napatawa naman ako sa sinabi nya, haha kung mahal din ako ni Dylan, siguradong jackpot nga iyon ,kaso hindi eh.
"Haha lalaki ang boss ko eh"
"Sayang naman, mabai----"
Naputol ang sasabihin ni Glenn ng biglang magvibrate ang cellphone ko kaya nag excuse muna ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...