Chapter 43: Devastation

1.6K 103 4
                                    

Chapter 43: Devastation

Finally! I managed to escape my coon!

"Everyone, to your posts. Face your partners." Anunsyo ni Leemar.

Sa wakas ay pinili kong lumabas sa aking lungga at sumama sa pisikal na ensayo ng aking mga kapatid. Nagising na si Professor Hale ngunit hindi ko pa siya nakikita. Guilty parin ako sa nangyari, ngunit tama si Ranzo, sa halip na lunurin ko ang sarili ko sa pagmumukmok ay mag-ensayo nalang ako. I am the one who's getting the benefit anyway.

"Survival instincts. What do you think is survival instincts?" Leemar's voice reverberated in the training room. No one answered, we just waited for him to answer his own question and he really did answer his own query, "Well, iyon ay ang pwede mong magawa sa oras na mismo ng hindi inaasahang pangyayari. Halimbawa hindi ka marunong lumangoy ngunit nalulunod ka na, dahil ayaw mong malunod ay pipilitin mong lumangoy, tama ba? Matatagpuan mo na lamang ang sarili mong lumalangoy ng tama. Lahat tayo'y may ganyan, dumarating tayo sa puntong gagawin natin ang lahat para magtagumpay. At ngayon, iyon ang gusto kong makita sa inyo."

Ganoon na lamang tumambol sa kaba ang puso ko. Alam kong maglalaban-laban kami, at gusto ko na lamang maiyak sa gilid dahil si Phia ang kalaban ko at alam kong walang patawad ang isang 'to sa battlefield. Kaharap ni Andrew si Philip, sina Lirech at Kate naman, pagkatapos ay kami ni Phia. Kanina pa talaga ako kinakabahan dahil pakiramdam ko'y may hindi mangyayaring maganda sa amin ni Phia lalo pa't bigla bigla na lamang na umiinit ang tensyon na namamagitan sa amin.

"The most effective stance for attacking and defending is the on-guard position. It is perfect for mobility, it allows you to take a small step for speed and controlled balance while bringing the distance to the opponent, and it camouflages your timing." Leemar said while walking towards us, "It is important to position your arms, head and feet properly." Dagdag niya pa habang isa-isang inaayos ang aming tayo.

Halos mahigit ko ang aking hininga nang paluin niya at sipain ang aking paa patungo sa mga lugar na dapat nilang kalagyan. Ganoon rin ang ginawa niya sa mga kapatid ko. Pagkatapos ay lumayo siya sa amin.

"Now, I want to see it from you. Wala akong ituturong technique. Hayaan ninyong ang inyong mga sarili mismo ang tumuklas at gumawa ng paraan upang manalo. Kung sino ang kaharap ninyo, sila ang makakalaban ninyo. Normal ang magsakitan dahil totoohang laban ito. Ang hindi normal ay ang sumuko. Survive with your instincts."

Lahat naman kami ay napalingon sa kaniya ng nanlalaki ang mga mata. Seryoso ba siya? Baka namali lang ang pandinig ko? Napapalunok akong lumingon kay Phia at ganoon na lamang ako napaatras nang ngumisi siya sa akin.

"Oh, and by the way. You can physically hurt each other, but you can't kill no matter how tense and aggressive you get." Ani Leemar atsaka hinipan ang kaniyang pito, "Begin."

Nagtinginan muna kami sa isa't-isa. Batid kong nag-aalala silang lahat sa akin dahil alam nilang wala akong masyadong alam sa ganito. Mas lalo naman ako, nag-aalala ako sa sarili ko lalo pa't si Phia ang kalaban ko.

Nang lingunin ko si Phia ay ganoon na lamang ako napaatras at napasigaw sa gulat nang bigla siyang umatake. Napasigaw rin ang mga kapatid ko, napamura pa si Philip nang muntik na akong mabuwal. Batid kong gusto kaming awatin ng mga kapatid ko ngunit sinigawan sila ni Leemar.

"Don't mind them, mind your own!"

Hindi pa ako nakakabawi nang muli akong sinugod ni Phia. Inambahan niya ako ng sipa at suntok ngunit mabilis akong gumulong upang umilag. Nasisiguro kong malilibot namin ang training room, nasa kalagitnaan na kami, kanina lang ay nasa gilid lang kami ni Phia.

"Phia!" Kinakabahan kong sigaw.

Ngunit sa halip na huminto ay nagpatuloy sa pag-atake si Phia. Ang mga kapatid ko'y hindi kumilos sa kanilang kinatatayuan, lahat sila'y nakatingin sa amin, binabantayan ang bawat naming kilos.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon